Kahit ginagawa na ang lahat… KRIS, AMINADONG 'DI PA RIN SURE NA GAGALING
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | February 26, 2022

Nagpaalam si Kris Aquino sa kanyang mga followers sa Instagram dahil pansamantala raw siyang hindi mag-o-online.
Ayon kay Kris, kailangan niyang magpahinga hanggang Sunday (tomorrow) para sa treatment na susubukan niya.
“Offline po muna ako, baka lang magtaka kayo. Kailangan ko maging rested & as stress free as possible until Sunday kasi may susubukang treatment… praying very hard na kayanin ng katawan, kasi ito 'yung magiging paraan para maging mas okay ang quality of life ko,” post ni Kris.
Aniya ay mga 4 na oras daw ang itatagal ng whole process at kailangan ng 3 days na pahinga before and after.
“1st dose ito, pero alam ko 'yung possible risks involved. Please pray for the doctors & nurses na mag-aalaga sa 'kin. The whole process will take about 4 hours plus observation time. 3 days rest before and 3 days rest after. I have faith in God’s plan and His timing,” saad niya.
Pagpapauna na ni Kris, hindi pa sigurado na magagamot siya at tanging ang Diyos lang ang nakakaalam.
“Please 'wag nating i-claim that I’ll be healed, 'wag natin Siyang pangunahan. I continue praying for the Faith to continue Hoping that I’ll get healthy enough for those who still need and love me.
Good night,” she said.





Comments