top of page
Search
  • BULGAR

Kahit gaano raw kayaman, wa' 'wenta… SHARON, IBINULGAR ANG PINAGDARAANANG SAKIT

ni Julie Bonifacio @Winner | February 28, 2024





Ilang weeks nanahimik si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang social media accounts. Malamang, may kinalaman ang pagpapa-therapy niya sa kanyang pananahimik online.


Until two days ago, she posted pictures nu’ng dumalaw siya sa bahay ng kanyang Tita Helen Gamboa last Sunday (Feb. 25).


Caption ni Sharon sa Instagram post niya na may picture with her cousins (Helen’s daughters): “Hello! How’s everyone? Been spending Sundays with my Sotto family! God bless you all and love you.”


Before Valentine’s Day ay nag-post na si Mega about her physical condition. Hirap siyang tumayo at paika-ikang maglakad kaya may mga nami-miss siyang events.


At naikuwento niya ang pag-attend niya ng session (definitely not a drip session) with her physical therapist.


Natuwa ang mga netizens na makita si Sharon na “nakakagala” after her “Silence is better than unnecessary” post sa IG. Marahil ay sobrang in pain talaga si Mega for the last few weeks.


Probably, umokey na kahit papa'no ang pakiramdam ni Mega kaya nakapasyal na siya sa kanyang Tita Helen.


“Salamat po sa pag-update, Mudra. How's your health po? Ok na po ba ang iyong paglalakad? Sana po, magaling ka na.”


“I'm so glad you're starting to build up new memories together with your loved ones. Have a blessed Sunday to you and the Sotto family. Sending much love from your dearest fan here in SW Florida.”


As of this writing, nag-post si Mega ng teaser ng kanyang video na lalabas today sa kanyang Sharon Cuneta Network sa YouTube na may pamagat na Mega’s Health Story.


Sa teaser, binanggit ni Mega ang pinagdaraanan niya sa kanyang health, also in life.


Say ni Mega sa video na naka-post sa kanyang IG kahapon, “Ang pinakamasakit kasi sa lahat…so, it’s no longer enough to be in good physical shape, to eat healthily, uh, to be mentally healthy…kahit ano nga naman  ang pag-aari mo, kahit gaano ka kayaman, kahit gaano ka kaligaya sa buhay mo, amounts to nothing. Everything na meron ka… I want to change my life and my outlook… I wanted to create a better version of myself.”


Kasalukuyang nasa Amerika ang dalawang anak nina Mega and former Senator Kiko Pangilinan na sina Frankie and Miel.


Habang si KC, nasa bansa na, based on her IG post recently. Marahil ay nadalaw na rin ni KC si Mega.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page