top of page

Kahit flop naman daw ang mga projects… ASHDRES, PALIT SA JADINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 4
  • 3 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | August 4, 2025



Photo: AshDres - Ashtine Olviga at Andres Muhlach - FB



Marami ang nagsasabing sina Andres Muhlach at Ashtine Olviga ang JaDine (James Reid-Nadine Lustre) Part 2.


Ang AshDres love team ngayon ang ginu-groom ng Viva Artists. Katunayan, nakagawa na rin sila ng proyekto na ikinakilig naman ng mga fans.


This time ay huhusgahan naman ang dalawang young stars sa isang film na Minamahal ni Jason Paul Laxamana.


Well, halos pareho ang tanong ng mga netizens sa dalawang young celebrities. 

“Baka may itinatagong dyowa rin itong si Andres, eh.”

“Si girl, may dyowa rin ba?”

“Curious din ako, meron ba?”

“I think, wala namang may paki sa girl, ‘di ko knows.”


May nagkomento pang, “Nag-date raw sila ni Kyline Alcantara pero basted in the end because Kyline picked Kobe over him. Andres could do better anyway.”


Nag-react naman ang isang fan, “Naniniwala ka naman. Gawa-gawa ng mga fans ni Kyline ‘yun para ipamukha kay Mavy. Hahaha! Si Atasha na mismo nag-debunk ng issue.


Malamang kung magka-GF ‘yan na private, alta rin just like Atasha.”

May nagtatanong naman kung magki-click ba ang AshDres? Ang lakas daw kasing sugalan ng Viva gayung flop naman daw ang mga projects ng anak ni Aga Muhlach.


“I wonder kung sa ABS-CBN s’ya... Hmmmm… they could do better I think?”


“He’s not a good actor. Sana, pinag-theater na lang muna s’ya para mahasa ‘yung skill. ‘Di pa naman kasi pang-leading man si Sir.”


“Hindi nagmana kay Aga sa galing umarte.”

“Baguhan pa lang naman kasi. Dumaan din sa ganyan ang tatay n’yan. Pero ‘di ‘to sisikat na katulad ng tatay n’ya.”


May mga bumilib naman kay Ashtine sa kanyang acting ability.

“In fairness d’yan kay Ashtine, para sa baguhan, magaling s’ya. Tulad ni Nadine na mas nakitaan ng husay sa pag-arte kesa sa ka-love team n’yang si James.”


“Hindi s’ya baguhan. 10 years na s’ya sa showbiz.”


“Tagal na sa showbiz, ngayon lang sumikat nu’ng nadikit ang pangalan kay Andres.”


“Hilaw sa acting ang dalawang ‘to. Naka-jackpot lang ang Viva sa JaDine dati pero I don’t think magiging gaya nila ang mga bagets na ‘to.”


“Kasi early on pa lang sa career nila as love team, eh, may mga issues na. DDS pa ‘yung Ashtine na mabilis lang nag-damage control pero marami nang umayaw.”


“He’s also like Donny in the sense na same conyo, same showbiz family, classy, educated, rich. Pero si Donny, nagawan ng paraan ng ABS-CBN, parang kay Andres, ‘di kaya ng Viva.

Pang-ilang projects na ito pero walang ingay.”


“Hindi sila magaling umarte. Parang high school play lang.”

“Huwag na lang silang ihambing sa JaDine love team dahil ang layo. Iba ang karisma nina Nadine at James sa kanilang fans.”


May nagsasabi pang kaya lang daw napag-uusapan si Andres dahil sikat ang kanyang mga magulang na sina Aga at Charlene Gonzalez.

‘Yun na!



Walang katapusang holding hands kapag magkasama sina Barbie Forteza at Jameson Blake.


Nu’ng una ay nakitang magka-holding hands ang dalawa sa fun run. Then the following isyu sa kanila ay holding hands with matching yakapan pa sa parking lot.


And this time sa GMA GALA 2025 ay nakitang magka-holding hands na naman sila habang paalis ng event.


Napansin ng mga naroroon ang matamis na kilos ng dalawang celebrities nang umalis sa venue. 


Nauna nang sinabi ni Barbie sa isang panayam ng GMA Integrated News na simpleng magkaibigan lang sila ni Jameson.


Pero, muling naging sentro ng usapan sina Barbie at Jameson sa GMA GALA 2025. Ang star-studded event ay ginanap sa Grand Ballroom ng Manila Marriott Hotel.


Nag-post ang GMA News ng mga video sa social media ng mga interaksiyon ng mga celebrities na nasa event.


Hindi pa naglalabas ng bagong pahayag sina Barbie at Jameson tungkol sa kanilang ‘ganap’ kamakailan, ngunit patuloy na nagbabahagi ng mga teorya at reaksiyon ang mga tagahanga online. Ayaw kasing maputol ang usapin hinggil sa Kapuso actress at Kapamilya actor.


Hindi naman kasi masisisi ang mga netizens kasi everytime na nakikita ang dalawang celebrities ay mga kilos ng may relasyon ang nakikita sa kanila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page