Kahit first time sa isa't isa… RURU AT BIANCA, GAME NA GAME SA TIKIMAN
ni Nitz Miralles @Bida | January 16, 2023

Maganda ang casting ng bagong series ng GMA Public Affairs na The Write One na pagbibidahan nina Ruru Madrid at Bianca Umali kasama sina Paul Salas at Mikee Quintos.
Makakasama nila ang mahuhusay na aktor na sina Lotlot de Leon, Art Acuña, Royce Cabrera, Kokoy de Santos at Mon Confiado.
Kasama rin sa cast sina Ramon Christopher (magkakasama sila ni Lotlot), Euwann Mikael, Kaloy Tingcungco at Alma Concepcion. In partnership ito sa streaming service na VIU, kaya excited ang cast. May pagka-fantasy ang tema nito at bida ang isang old typewriter.
First time magtatambal nina Ruru at Bianca at parehong excited at kinakabahan ang dalawa. Kung magkakaroon siguro ng kissing scene, hindi magiging problema sa kanila.
Reunion naman ito nina Ruru at Paul na unang nagkasama sa Lolong. Sina Mikee at Paul, nagsimula na ang paghahanda sa pagbabago ng kanilang hairstyle.





Comments