Kahit ex na ang tatay ng anak… BIANCA, NAIYAK NANG MAKALAYA SI VHONG
ni Julie Bonifacio - @Winner | December 11, 2022

Eksklusibong nakunan namin ng reaksiyon si Bianca Lapus pagkatapos makalabas sa Taguig City Jail ang kanyang ex-husband na si Vhong Navarro.
Agad kaming nagpadala ng mensahe kay Bianca nu’ng araw na lumabas ang balitang pinayagan ng Taguig Regional Trial Court na makapag-post ng bail si Vhong sa kasong rape na isinampa laban sa comedian-TV host ni Deniece Cornejo.
Hindi raw napigilan ni Bianca ang maiyak nu’ng malaman niya na pinayagan nang magpiyansa si Vhong.
“Yes ate, grabe, naiyak ako. Kahit pa'no, makakampante na kami nang konti."
Isa si Bianca sa mga punong-abala sa kaganapan kay Vhong. Una, nag-aalala si Bianca para sa anak nila ni Vhong na si Yce. At siyempre, naging magkaibigan na rin naman sina Vhong at Bianca, pati na ang misis ng komedyante na si Tanya Bautista.
In fact, gumawa pa si Bianca ng group chat nila nina Tanya at mga anak ni Vhong na sina Yce at Bruno. Plus, isinama rin ni Bianca sa group chat ang non-showbiz mom ni Bruno.
Narinig sa Itaas ang panalangin nina Bianca na payagang makapag-bail si Vhong para makalabas at makasama nila ngayong Pasko.
For sure, sobra-sobrang saya ng Pasko ni Vhong and his family. Kaya tama lang na i-enjoy muna ni Vhong ang natitirang araw for the rest of the Holiday Season. At magpataba siya bago pa man lumabas sa It’s Showtime ng ABS-CBN.





Comments