Kahit engaged na… MAJA, WALA PA RING PREPARASYON SA KASAL
- BULGAR
- Aug 5, 2022
- 1 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 5, 2022

Mas naunang na-engaged si Maja Salvador kesa sa co-host niya sa Eat… Bulaga! na si Maine Mendoza, pero ayon sa aktres-TV host, wala pa silang malinaw na pinag-uusapan ng fiancé na si Rambo Nuñez tungkol sa mga detalye ng magaganap na kasal.
Naka-focus kasi ngayon si Maja at ang kanyang fiancé sa bagong comedy show na uumpisahan ng aktres sa TV5 na magsisimula na sa Sabado, 7:30 PM titled Oh My Korona.
First time ni Maja na magko-comedy pero puring-puri naman siya ng mga co-stars niyang sina Joey Marquez, Pooh at Thou Reyes, at maging ng leading man niyang si RK Bagatsing.
Kilalang workaholic si Maja kaya sanay na nagtatrabaho. 'Pag nag-asawa na raw siya, mas ipa-prioritize niya ang family life, pero hindi naman daw niya tuluyang iiwan ang showbiz dahil marami pa rin siyang gustong gawin kahit pa halos nagawa na niya ang lahat sa halos 20 years na niya sa showbiz.
Anyway, mula sa Cignal Entertainment at Crown Artist Management (talent agency nina Maja at Rambo) ang Oh My Korona at mula naman ito sa direksiyon ni Ricky Victoria.
Kasama rin dito sina Kakai Bautista, Thou Reyes, Christine Samson, Jessie Salvador, Jai Agpangan, Guel Espina at Queenay.
Simula ngayong Agosto 6, makisaya sa Oh My Korona tuwing Sabado, 7:30 PM sa TV5.




Comments