top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Kahit divorced na… CARLA, UMAMING MAHAL PA RIN SI TOM

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 13, 2022
2 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | November 13, 2022



May teaser ng podcast interview ni Nelson Canlas kay Carla Abellana sa 24-Oras last Friday at kung sa past interviews ng Kapuso actress ay hindi nabanggit si Tom Rodriguez, sa Updated With Nelson Canlas, may portion na puro Tom ang tanong at sinagot lahat ni Carla.


Tanong ni Nelson, "How is your heart?"


Sagot ni Carla, “My heart is... I don’t know where to find my heart sa dami ng nangyari. Inaalagaan ko ang aking heart.”


Sunod na tanong, "Are you still in pain?"


“Oo, Definitely! I won’t hesitate to answer that. It doesn’t disappear overnight. Matagal pang proseso.”


Inamin din ni Carla na hindi pa nagsi-sink-in sa kanya ang divorce nila ni Tom at dahil ito sa “Divorce doesn’t exist in the Philippines, kaya hindi pa nagsi-sink in sa akin. Magsi-sink in lang sa akin ‘pag na-recognize na rito,” ayon kay Carla.


Sa tanong kung nag-reach out na sa kanya si Tom, “No. The last time na nakita ko siya, February pa.”


Sa tanong kung may love pa siya kay Tom?


“Honestly, ‘di ko masagot. Ang love naman ‘di nagdi-disappear nang kusa.”


Kapag tumawag ba sa kanya si Tom, sasagutin niya?


“Hindi. Hindi ko sasagutin. Hindi ko kakayaning kausapin siya,” makatotohanang sagot ni Carla.


Nabanggit ni Carla ang self-care na kanyang ginagawa na sabay siguro sa pag-aalaga sa puso niya.


Sabi pa nito, “Ang Carla today is not the same sa Carla a few months back.”


Ang first part ng interview ni Nelson kay Carla ay mapapanood sa Tuesday (November 15) at ang second part ay sa Friday (Nov. 18), kaya abangan!

Samantala, mapapanood pa rin si Carla sa Daig Kayo ng Lola Ko this Sunday at malapit na rin siyang mapanood sa Voltes V: Legacy na airing next year.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page