top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kahit divorced na… CARLA, TODO-DAKDAK PA RIN SA HIWALAYAN NILA NI TOM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 18, 2023
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | February 18, 2023



Super successful ang unang buwan ng bagong talk show ng King of Talk na si Boy Abunda sa GMA-7, ang Fast Talk.


Top A-list Kapuso artists ang mga naging guests niya and hindi pinalampas ni Kuya Boy na itanong sa kanila ang most controversial questions.


And last Thursday, finally, nagbigay na ng kanyang pahayag si Carla Abellana in public ukol sa hiwalayan nila ng ex-hubby niya na si Tom Rodriguez.


Kakaiba ang naging appearance ni Carla sa lahat ng mga naging guests sa Fast Talk, siya lamang ang umapir na may bitbit na lawyer.


Understandable naman dahil may ongoing case na kinakaharap si Carla against her former husband na si Tom Rodriguez.


Napag-alaman namin na nagkaroon ng delay ang guesting ni Carla sa Fast Talk. She’s supposed to appear sa show ni Kuya Boy last week. Pero dahil sa ongoing case, they had to consult the lawyers of Carla for legalities ng mga puwedeng itanong at isagot ng Kapuso star.


At ‘yun nga, napagdesisyunan marahil na for the best interest ni Carla at ng show na samahan ang aktres sa guesting niya on Fast Talk.


As it was, natanong na rin ang abogado ni Carla sa live episode ng Fast Talk last Thursday.


Pero kahit maramimg restrictions, naitanong pa rin ni Kuya Boy at nasagot ni Carla ang dahilan ng hiwalayan nila ni Tom.


"Napakadaming dahilan. Kung ililista po natin, medyo marami po 'yan. But basically, bottom line is… kumbaga, umabot na po sa breaking point, eh. Kumbaga, sobra na po, parang ganu'n,” pahayag ni Carla.


Dagdag pa niya, "So there was, still, disrespect, lying and all that. There was no change. Hindi po ‘yun first time na nangyari sa amin, kung anuman po 'yung pinagdaanan namin.”


Naliwanagan naman kami sa isyu kung annulled na ba o hindi ang kasal nila ni Tom.


Ayon kay Carla, automatic na napawalang-bisa ang kasal nila dahil na rin sa pag-file ng divorce ni Tom sa US.


Formality na lang daw ang kailangan by filing a document stating Tom’s filing of divorce sa US. Ina-acknowledge raw kahit saang korte sa mundo ang US document on divorce ng isang American citizen.


Kaya ang legal battle na lang between Carla and Tom ay ang protection order. Meaning, 'di puwedeng malapit si Tom kay Carla sa distansiyang required ng korte.


Unanimous naman ang reaksiyon ng mga netizens sa mga galawan ni Carla during her interview sa Fast Talk.


“Nakakapagod siyang panoorin. 'Di makatapos ng tanong sa kanya nang 'di siya nagre-react o nagsasalita at 'di rin siya responsive sa question. Basta dakdak lang siya nang dakdak.


Sana matutunan niyang tumahimik at makinig.”


“Ano kaya ang mga ginawa ni Tom para masabi ni Carla ang mga sinabi niya? My takeaway, hinding-hindi na sila magkakabalikan!”


“Isa lang ang malinaw. May pera pa rin si Carla at nagpapagawa pa nga siya ng bahay. Mukhang 'yung lahat ng pera ni Tom ang natangay ng scammer!”


Anyway, my favorite episode ng Fast Talk ay nu’ng mag-guest ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.


Looking forward naman kami sa pagpapalabas ng guesting ng Superstar na si Nora Aunor sa show ni Kuya Boy.


Sa pagkakaalam namin ay nag-guest na si Nora sa taped episode ng Fast Talk last Thursday.


'Yun ay kung ‘di nagkaaberya, maaaring sumalang na si Nora sa Fast Talk.


Anyway, ayaw pakabog sa outfit-an ni Kuya Boy sa Fast Talk dahil pasabog din ang kanyang damit every episode.


For sure, 'di ide-deny ng stylist ni Kuya Boy na si Demi na pawang high-end ang brand ng mga suot ng TV host sa show — mula ulo hanggang paa!


Kunsabagay, dati pa man ay laging bonggacious na ang outfit ni Kuya Boy sa mga shows niya sa ABS-CBN noon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page