Kahit 'di umaamin… JOHN LLOYD AT ISABEL, BUKING NA MATAGAL NANG MAGDYOWA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 11, 2022

Nasa Paris ngayon si John Lloyd Cruz kasama ang rumored non-showbiz GF niyang si Isabel Santos. At base sa mga sweet photos nila sa social media, malalim na ang kanilang relasyon.
Natagpuan na ni JLC ang kanyang the one, ang babaeng ipinalit niya kay Ellen Adarna sa kanyang puso. Naka-recover na siya sa paghihiwalay nila ni Adarna.
Matagal nang kilala ng malalapit na kaibigan ni John Lloyd si Isabel Santos dahil naisasama na siya ng aktor sa mga events na kanyang dinadaluhan tulad noong Christmas Party last Dec. 2021 ng Crown Artist Management kung saan nakakontrata bilang talent si JLC.
At nang mag-birthday si JLC last June 24, dumating din sa set ng Happy ToGetHer si Isabel at dinalhan ng cake si Lloydie. Ipinakilala na rin ni John Lloyd si Isabel sa kanyang mga co-stars sa sitcom at marami ang nakasaksi sa mga sweet moments nila together. Hinalikan pa siya ng aktor nang bigyan ni Isabel ng cake.
Kaya kahit walang opisyal na pag-amin si John Lloyd sa real score sa relasyon nila ni Isabel Santos, sapat na ang mga sweet photos na ipino-post nila sa social media upang makumpirma na couple na sila ngayon.





Comments