Kahit 'di pa natatanggal ang boobs… IBINUKING NI LIZA: ICE, LUMALABAS SA BAHAY NA TOPLESS
ni Julie Bonifacio - @Winner | February 26, 2022

Nagbigay ng reaksiyon si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson & CEO Liza Diño-Seguerra sa pagbubuyangyang ng dibdib ng transman at singer na si Jake Zyrus sa social media.
Tulad ni Jake, member din ng LGBTQIA+ ang partner ni Chair Liza na si Ice Seguerra.
Reaksiyon ni Chair Liza, “I’m happy for him! Sabi ko nga, ‘Oh! Naunahan ka na, Love.’
Hahaha!”
Tanong namin sa kanya, may plano rin ba si Ice na ipakita ang kanyang dibdib sa publiko?
“Oo! Saka ‘yan ‘yung planong ano na pumasa na, parang ganu'n. Kumbaga, na-discuss na namin. I’m so happy for him. Gusto niyang gawin. Doon na lang talaga sa naghahanap kami ng timing, ganoon,” paglalahad niya.
Ongoing pa rin daw ang usapan nila tungkol sa pagpapa-top surgery ni Ice. At super supportive naman daw si Chair Liza roon.
“Hindi pa siya nagpa-surgery, pero baka ano, mas mauna pa ‘yan kesa sa anak,” biro ni Chair Liza.
Pina-process na raw ni Ice ang pagpapa-surgery ng kanyang dibdib. At pagre-reveal pa ni Chair Liza, nagpunta na sila sa doktor for Ice’s top surgery.
Happy si Chair Liza for Jake dahil sino pa raw kaya ang magmamahal sa sarili nito kundi siya rin mismo.
“And you know, she did a lot of sacrifices just to find his happiness. I mean, sino ba ang ‘di maggu-gusto na i-keep mo pa rin ‘yung kasikatan mo and all that kapalit ng identity mo?
Pero willing siya na i-sacrifice ‘yun para mahanap niya talaga ang sarili niya. And we should be happy for him.”
If ever mag-top surgery si Ice, papayagan din daw ni Chair Liza na mag-topless sa socmed ang kanyang partner.
“Kaya ako proud kay Jake kasi ‘yung usapin ng transition, hindi siya madaling desisyon.
Sampol kay Ice, siyempre, trabaho rin niya ‘yung boses niya, eh. Pagkatao rin niya ‘yung boses niya, eh. At alam ng tao na ‘yung boses ni Ice Seguerra, eto, ang kung magta-transition siya, magbabago ‘yun. So, handa ba siya sa consequence ng pagbabago?”
Handa na ba si Ice?
“We’re still discussing. Of course, it’s normal to have those fears, ‘di ba?
“Kasama sa usapan namin, ‘Okey, ‘yung boses mo na ito, iba ang audience mo doon, eh.
Itong magiging bago mong boses, puwede ring iba ang maging audience mo. So for me, it’s a matter of, are we ready to face those consequences at this point of his life?”
Gaya ni Chair Liza, happy din daw si Ice sa ginawang pagta-topless ni Jake sa socmed.
Nagtatampo nga raw si Ice minsan kay Chair Liza kapag 'di niya napa-prioritize ‘yung plano nila dahil sa sobrang kabisihan niya sa FDCP. Pero matagal na raw talaga nilang napag-usapan ang pagpapa-surgery ng breast ni Ice. It’s a question na lang daw who will be the doctor.
“Dyusko! Hindi pa nga niya ginagawa ‘yun, lagi na ‘yun naka-topless sa bahay! Hahaha!
“Minsan sa bahay, may terrace kami, biglang lalabas ‘yan, walang suot na damit. ‘Ano ka ba?!’
Kasi nga, hindi na niya napapansin.
“Saka ganu'n pala, ‘no, kapag transman, nai-imbibe na niya. So, actually, kapag tiningnan mo siya, hindi naman sobrang… mukhang 'man boobs' na siya, eh, ‘yung ganu'n. Hindi siya malaki.
Flat siya. Kailangan na lang tanggalin ‘yung mga taba-taba niya,” kuwento pa ni Chair Liza.
Anyway, sa Linggo na ang awards night ng 6th Film Ambassador’s Night na gaganapin sa makasaysayang Manila Metropolitan Theater.
Eksklusibo lang sa mga awardees ang naturang gabi ng parangal na brainchild ni Chair Liza sa FDCP.
Pararangalan sa Film Ambassador's Night 2022 ang 77 honorees na mga pelikula, filmmakers at mga aktor na kinilala sa iba-ibang international film festivals noong nakalipas na taon. Ang pangalan nila ay ipinabatid sa naunang anunsiyo.
Kabilang na sa bilang na ito ang karagdagang special awards na Camera Obscura para kay John Arcilla at Gabay ng Industriya na ipagkakaloob kina Rosal Rosal at Jesse Ejercito.





Comments