Kahit 'di pa nakakasal sa BF… ALEX, NIREGALUHAN NG BAHAY NG BIYENANG-HILAW
- BULGAR

- Dec 15, 2020
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 15, 2020

Pinaghahandaan na nga nang husto ni Alex Gonzaga at ng fiancé niyang si Lipa City Councilor Mikee Morada ang kanilang buhay-mag-asawa.
Sa latest vlog ni Alex ay ipinakita niyang magkasama sila ni Mikee na binisita ang bahay na iniregalo ng parents nito para sa kanila. Bale wedding gift na ito sa nalalapit nilang kasal.
Ipina-renovate nila ang buong bahay para masunod ang gusto nilang design. Malaki-laki rin ang nasabing bahay na magiging love nest nina Alex at Mikee pagkatapos ng kanilang kasal.
Excited na rin si Alex sa pag-aasikaso sa kanilang magiging bahay. Katuwang niya si Mikee sa pamimili ng mga gamit at pag-aayos 'pag tapos na ang renovation.
At least, may bahay na agad sina Mikee at Alex na matutuluyan at matututo na ang TV host-actress na mag-decorate ng kanilang dream house.
And for sure, hihingi rin siya ng advise kay Mommy Pinty at sa kanyang Ate Toni Gonzaga.





Comments