Kahit 'di pa kasal… ANGELINE, GUSTO PANG MAGKAANAK ULI SA TATAY NG BABY
ni Julie Bonifacio - @Winner | June 18, 2022

Nag-launch ang singer at ngayon ay top executive na ng sarili niyang kumpanya na si Angeline Quinto ng bagong skincare products last Wednesday.
Pagkatapos isilang ang kanyang first-born na si Sylvio last April 27, may bagong “baby” ulit si Angeline.
Excited na ipinakilala ni Angeline ang kanyang bagong business, ang Twinqle skin products for moms and babies sa ginanap na grand launch nito sa Dusit Thani Hotel, Makati City para sa mga distributors and entertainment press.
“Ang Twinqle ay isang innovative skincare line na talagang binuo namin para sa mga mommies at mga babies. At talagang siniguro namin na ang mga produkto ng Twinqle ay safe, non-toxic, at paraben-free para sa maseselan na balat ng mga nanay at siyempre, sa mga anak nila,” panimula ni Angeline.
Naging inspirasyon niya raw dito ay nu’ng mabasa niya ang isang artikulo tungkol sa pandemic babies.
“So, nitong last two years ng pandemic, alam ko na napakaraming nabuntis at nanganak at isa na ako roon. Kaya naman, talagang binuo namin ito para sa mommies at babies kasi mas nakita ko rin 'yung kahalagahan ng mga mommies na magkaroon ng produkto na safe at effective para sa mga anak nila,” say ng bagong Twinqle Ventures Corporation chief executive officer.
As the CEO of Twinqle, ini-reveal ni Angeline ang kanyang mga plano para sa bago niyang business this year.
“Honestly, higit pa sa local 'yung naiisip ko na pangarap ko para sa Twinqle. Kasi personally, ako bilang singer at nakakapag-show abroad, sa iba’t ibang bansa, napakarami kong nakikitang mga Pilipinong tumatangkilik pa rin ng sariling atin, eh. Ibang-iba pa rin 'yung pagmamahal ng mga Pinoy sa mga gawang Pinoy talaga. Kaya siguro gusto kong imbitahan lahat ng mga kaibigan ko at 'yung mga supporters ko na subukan nila itong Twinqle,” pag-iimbita pa niya.
Tsika pa ni Angeline, “Ang mas nakakatuwa rito sa Twinqle, puwede ka nang magkaroon ng sarili mong small business with products na talagang proudly Philippine-made at affordable pa.”
Nabanggit din ni Angeline sa amin na ang kanyang partner at ama ni Baby Sylvio na si Nonrev Daquina ang nakaisip ng pangalang “Twinqle.”
Nu’ng nagla-live online selling daw si Angeline during pandemic, “everyone” lang ang tawag niya sa mga nanonood sa kanya.
Suggestion ni Nonrev, dapat daw ay may sarili siyang tawag sa kanyang mga fans/followers especially kapag pinapanood siya sa kanyang socmed accounts nang live.
Eh, since mahilig si Angeline sa mga stars, naikonek ni Nonrev ang word na “twinkle.”
O, 'di ba, at least, may iba pang naibigay si Nonrev kay Angeline bukod kay Baby Sylvio.
Ang name ng baby niya na Sylvio ay hango sa pangalan ng kanyang yumaong Mama Bob na Sylvia.
Kaya kapag nagka-baby daw ulit siya at naging babae, Sylvia naman ang ipapangalan niya rito.
Meaning, gusto pang magdagdag ng anak ni Angeline. Siyempre, with Daddy Nonrev, ‘noh!





Comments