Kahit 'di nanalong Miss Universe… RABIYA, MAS MASUWERTE KINA PIA AT CATRIONA
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | January 29, 2022

Muling magbabalik sa telebisyon si Bong Revilla, Jr. sa Book 2 ng Agimat ng Agila na idinirek ni Rico Gutierrez. Dobleng action scenes ang mapapanood ng mga viewers dahil matitindi ang mga eksenang bakbakan dito.
Makakasama rito ni Sen. Bong sina Sanya Lopez, Gardo Versoza, Betong, Benjie Paras, Elizabeth Oropesa at ang beauty queen na si Rabiya Mateo.
Game na game si Rabiya na sumabak sa action scenes. Isa siyang Interpol agent kaya nag-training ng gun firing at martial arts.
Puring-puri ni Rabiya si Bong dahil inalalayan siya sa mga action scenes. Noong una ay intimidated si Rabiya sa mga eksena niya kay Bong pero natutunan na rin niyang mag-adjust.
Samantala, may mga netizens ang nagsasabing mas masuwerte si Rabiya Mateo kumpara kina Pia Wurtzbach at Catriona Gray kung showbiz career ang pagbabasehan.
Pumirma na ng kontrata si Rabiya sa GMA Network kaya tiyak na may mga projects siyang gagawin sa GMA-7 bukod sa Agimat ng Agila.
Sina Pia at Catriona, wala pang katiyakan kung may babalikan pang career sa showbiz ngayong wala na ang ABS-CBN. At pareho na ring tapos ang kanilang term bilang Ms. Universe. Ano ang kanilang magiging fallback kung saka-sakali?





Comments