Kahit 'di kasama sa cast… SHARON, DUMATING SA CELEB SCREENING NG SERYE NI COCO
ni Julie Bonifacio @Winner | February 8, 2023

Star-studded ang ginanap na celebrity screening ng bagong serye ni Coco Martin, ang Batang Quiapo na ginanap sa TriNoma mall kahapon.
Kahit 'di kasama sa cast ng bagong serye, dumating si Megastar Sharon Cuneta sa event na ikinagulat ng maraming fans na nagkagulo sa labas ng sinehan sa TriNoma kung saan ginanap ang special advance screening ng Batang Quiapo.
Ang bongga ng bagong aksiyon serye ni Coco kasi bukod sa A2Z at iba pang digital platforms ng Kapamilya Network ay ipapalabas din ang programa sa TV5.
Ipinakita ni Coco ang kanyang pasasalamat sa TV5 by posting his picture with the network’s top man na si Manny Pangilinan sa Instagram ng bida ng Batang Quiapo.
Caption ni Coco, “Maraming salamat po, MVP sa pagbubukas ng pinto para sa Batang Quiapo sa TV5. Napakalaking tulong po para sa aming lahat ito. At tatanawin po naming utang na loob. God bless you po.”
Ipinost din ni Coco ang picture niya with other TV5 executives at ABS-CBN executives sa pangunguna nina Mark Lopez, Carlo Katigbak, Cory Vidanes and Bobby Barreiro.
Present din during the dinner ang mga co-stars sa Batang Quiapo na sina Mark Lapid, John Estrada and Cherry Pie Picache.
Magsisimula nang ipalabas ang FPJ's Batang Quiapo on February 13, Monday.





Comments