Kahit daw smack, Sunshine, no way! CESAR, AYAW NANG BALIKAN PA ANG NAKARAAN
- BULGAR
- Jul 23, 2023
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 23, 2023

Kung si Cesar Montano ang tatanungin, ayaw na raw niyang balikan pa ang kanyang nakaraan.
Naitanong ito sa aktor at sa iba pang cast ng TV series na Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan sa mediacon and screening na ginanap last Friday.
Para kay Cesar, past is past at hindi na kailangan pang balikan.
“But that doesn’t mean na hindi ka dapat matuto ru’n sa past mo. Dapat you have learned and you grew up already and you become a better person today. Dapat ganu’n.
“Hindi mo na babalikan ‘yun at magkakamali ka ulit. You should have at least learned your lesson from the past and become a better person. You become a blessing to other people,” sey ni Buboy.
So, ayaw na niyang hagkan ang nakaraan?
“Hindi na. Kahit smack, ‘wag na,” sagot ni Cesar.
Ganu’n din naman ang opinyon nina Cristine Reyes and Marco Gumabao na kasama rin sa lead cast ng serye.
Sey ni Cristine, “Tama naman ‘yung sinabi nila pareho na you don’t dwell on the past talaga kasi kapag mag-i-stay ka ru’n, you’ll be stuck there and you’ll be miserable. So, life must go on. And appreciate what you have, not what you don’t have.”
Anyway, ang Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan ay 1980's classic love story movie na pinagbidahan ng mga tinitingalang artista sa industriya na sina Vilma Santos, Christopher de Leon at Eddie Garcia, na ngayon nga ay ire-revive nina Cristine, Marco and Cesar bilang isang TV series.
Mapapanood na ang seryeng Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan simula Hulyo 25, Lunes hanggang Biyernes, 4:40 PM sa TV5 at 8 PM sa SARI SARI Channel, available sa Cignal TV, SatLite Ch. 3, at Cignal Play.




Comments