Kahit co-parenting sa anak… ANDI AT JAKE, HIRAP NA KAY ELLIE DAHIL TEENAGER NA
- BULGAR

- 9 hours ago
- 2 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 21, 2026

Photo: IG _unoemellio & _andieeigengirl
Inamin ni Andi Eigenmann na nahaharap sila sa malaking challenge ni Jake Ejercito ngayong teen-ager na ang kanilang anak na si Ellie.
Sa isang sit-down interview kay Karen Davila, naitanong sa dating aktres kung kumusta ang relasyon nila ngayon ng ama ng kanyang panganay.
Aniya, maayos naman ang co-parenting setup nila at nagpapasalamat siya kay Jake na katuwang niya sa pagpapalaki kay Ellie.
“We’re okay. We’re not really like other parents or co-parents that you see on social media, but we have a really good co-parenting relationship, I would say. And I’m so grateful to have him as my partner in raising Ellie,” pahayag ni Andi.
Pero dahil nasa teenage years na ang kanilang anak, medyo challenging stage raw ito sa kanila bilang mga magulang.
“We’re at an extremely difficult level. You know, we have a teenager. Ellie’s turning 15 this year, and she’s going on to Grade 9. So we’re being faced with more difficult challenges,” sey niya habang natatawa.
“I mean, I feel like every teenager’s parents can relate. So, I feel like us really getting along and seeing eye-to-eye is more inevitable at this stage than ever,” dagdag niya.
As we all know, dating magkasintahan sina Andi at Jake noong nasa showbiz pa ang aktres at nagbunga ang kanilang relasyon ng isang napakagandang bata sa katauhan ni Ellie.
Hindi sila pinalad na magkatuluyan at sa ngayon ay masaya na si Andi sa piling ng kanyang partner na si Philmar Alipayo.
May dalawa silang anak, sina Lilo at Koa.
Naging madali raw para sa kanila ni Jake ang kalimutan ang nakaraan at magpatawaran sa kanilang mga pagkakamali noon dahil sa malaking pagmamahal nila sa kanilang anak.
MAS maraming Pilipino ang makakapanood ng local entertainment shows dahil inanunsiyo ng ABS-CBN ang bago nitong primetime lineup na mapapanood sa iba’t ibang platforms simula Hulyo 27.
Pangungunahan ito ng patok na action-romance drama na Coco Martin’s Sigabo sa ganap na 8 PM, na pinagbibidahan nina Coco Martin at Julia Montes.
Susundan ito ng inaabangang pagbabalik-teleserye nina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador sa Someone, Someday (SS) sa ganap na 8:45 PM.
Mapapanood naman sa 9:30 PM ang romantic-thriller ng TV5 na A Secret in Prague (ASIP), na pinagbibidahan nina Enrique Gil at Andrea Brillantes.
Samantala, mapapanood na rin ng Kapamilya viewers ang Book 2 ng inspirational drama ng TV5 na My Bespren Emman (MBE), na pinangungunahan nina JM De Guzman at Shaina Magdayao, tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 PM.
Masusubaybayan ang tatlong primetime shows at ang My Bespren Emman sa iba’t ibang platform sa pamamagitan ng ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel,
Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB), iWant, at TFC.
Sa panahon ng pagbabago ng viewing habits, mahalaga ang kolaborasyon ng industry players para patuloy na mabigyan ang mas maraming viewers ng magagandang programa na nagpapakita ng husay ng Filipino talent at creatives.





Comments