Kahit break na, concerned pa rin… IBINULGAR NI DIEGO: BARBIE, GUSTONG MAG-SUICIDE DAHIL SA DEPRESYON
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | March 22, 2022

Kahit break na sila ni Barbie Imperial at magkaibigan na lang sila ngayon, may malasakit pa rin si Diego Loyzaga sa kanyang ex-GF. Gusto pa rin niya itong proteksiyunan sa mga naglalabasang negative write-ups.
In fact, naikuwento nga ng veteran journalist-TV host na si Cristy Fermin na tinawagan siya ni Diego Loyzaga upang personal na tanungin kung sinu-sino ang mga sources niya sa mga naisulat niya tungkol kay Barbie Imperial.
Ayon kay Diego, sobra raw nade-depressed si Barbie kapag nakakabasa ng mga negative write-ups tungkol sa kanya. Kaya minsan, naiisip nito ang mag-suicide.
Kay Diego Loyzaga tumatakbo at humihingi ng moral support si Barbie Imperial kapag inaatake ng depression dahil sa mga problema niya sa buhay.
Ang tanong naman ng mga netizens, nasaan ang pamilya ni Barbie? Bakit hindi sila ang dumamay sa aktres?





Comments