- BULGAR
Kahit black ang suot... JULIA, TODO-TAKIP NA SA TIYAN, OBYUS PA RING BUNTIS
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 20, 2022

May posted photos si Sharon Cuneta sa kanyang Instagram at Facebook account ng mga larawan ng Ang Probinsyano cast nu'ng mag-thanksgiving party sila.
Kasama nila ang mga bossing ng ABS-CBN and of course, ang lead actor na si Coco Martin.
Sa kanilang group picture, maraming netizens ang nakapansin na tinatakpan ni Julia Montes ang kanyang tummy. Kaya, iba't ibang komento ang naglabasan sa social media.
May espekulasyong buntis daw talaga ang aktres dahil lahat ng kuha nitong larawan ay laging tinatakpan ang tummy.
Maging ang black outfit ng aktres ay pinuna rin ng mga netizens. Kahit daw kasi black na ang suot ni Julia, halata pa ring medyo malaki ang tiyan nito ngayon.
Tulad na lang daw nu'ng mag-bonding silang tatlo nina Kathryn Bernardo at Dimples Romana kung saan laging half body lang ang naka-post na larawan sa IG ni Dimples.
Heto ang ibang komento ng mga netizens…
"Bakit nga ba nila itinatago kung totoo man?"
"Buntis 'yan. Obvious sa finale episode ng Probinsyano."
"Well, hindi siya buntis, sadyang tabain lang talaga si Julia."
"Paki-zoom 'yung 2nd photo sa tummy part :) Lagi rin siyang naka-black lately even sa photos niya with Dimples. You know the daya to hide the bump."
May punto naman ang sinabi ng commenter na ito.
"'Di ko gets ang drama ng 2 (Julia at Coco Martin) 'to. Mukhang wala namang against them so bakit hindi pa sabihin na official sila, married, parents or 2nd time parents para matapos na 'yung discussion? I’m sure naman, if they ask for privacy, irerespeto naman 'yun ng mga fans nila pati reporters since Coco is A-list naman na."
"Hindi ko rin makuha. 'Yung idol niyang si FPJ at si Susan, they got married at the peak of their careers. Wala namang naging issue as they flourished individually. Tahimik din ang naging buhay nila. Nu'ng bandang huli na nga lang naging public knowledge 'yung dalliances ni FPJ, but even that, did not affect his legacy."
"Because other than this discreet relationship, there’s nothing else appealing or newsworthy about them. They need to have something to stir public interest."
Alam naman daw ng mga co-workers sa AP ang kondisyon ni Julia at maging ang Megastar, pero nananatiling tahimik lang daw ang mga ito.
"Wouldn't it be obvious to all of her co-workers that she's pregnant if she appeared at their party? That means everyone has a great sense of loyalty to keep the secret even Megastar, otherwise, kalat na dapat at galing pa sa mga kasama nila ang balita."