top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahit binati siya nu’ng b-day… MISIS NI BARON, AYAW NANG PAG-USAPAN ANG ANAK NG AKTOR KAY NADIA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 1, 2024
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | August 1, 2024


Showbiz News
Photo: Jamie Geisler / IG

Umaapaw ang saya sa mga mata at tawa ng international award-winning director na si Brillante Mendoza sa kanyang 64th birthday celebration na ginanap sa kanyang bonggacious home sa Busilak St., Mandaluyong City last Tuesday.


Katatapos lang ng misa nu’ng datnan namin si Direk Brillante na nagliligpit ng mga upuan sa ginanap na misa sa malawak na garden area malapit sa kanyang trophy room. 


Inilipat ni Direk Brillante ang mga upuan sa naka-set-up na dinner sa another side ng garden area na may mga live performers.


Dumating sa misa at bumati kay Direk Brillante ang producer na si Wilson Tieng. Maya-maya pa ay sunud-sunod nagdatingan ang celebrity guests niya sa pangunguna ni Baron Geisler kasama  ang misis na si Jamie. 


Maaga ring dumating ang mga mina-manage na actors ni Direk Brillante na sina Vince Rillon at Jomari Angeles, pati na ang tinulungan din ni Direk Brillante na si Felix Roco.


Bumati rin nang personal sa Cannes Best Director sina Ronnie Lazaro, Ruby Ruiz, ang mga direktor na sina Carlitos Siguion Reyna at Raymond.


Humabol din ang magdyowang sina Liza Diño at Ice Seguerra ng Fire & Ice Productions na isa sa mga producers ng latest movie ni Direk Brillante sa Netflix, ang Moro.


Tumawid naman ng dagat si Pola, Oriental Mindoro Mayor Jennifer Mindanao Cruz a.k.a. Ina  Alegre para um-attend sa birthday celebration ni Direk Brillante. Nag-effort daw talaga siya na pumunta sa party ni Direk dahil six months na raw na ‘di sila nagkikita at nagkakausap.


Ang daming tsika sa amin ni Mayor Jennifer tungkol sa Pola, si Baron regarding his upcoming movies, pati na rin ang misis niya na for the first time ay nakilala namin nang husto last Tuesday. 


Matsika pala si Jamie gaya rin ni Baron. In passing ay napag-usapan namin ang tungkol sa anak ni Baron kay Nadia Montenegro na si Sofia, na bumati sa kanya nu’ng birthday ni Jamie last July 14. Pero ‘di na namin isusulat ang tsikahan namin ni Jamie regarding Nadia and her daughter kasi gusto na lang nila ni Baron na manahimik.


Aliw na aliw naman kami sa kuwento ng mahusay na aktres na si Ruby Ruiz tungkol sa National Artist na si Nora Aunor at yumaong direktor na si Lino Brocka.


First movie appearance pala ni Ruby sa pelikulang Bona ni Nora sa direksiyon ni Brocka. Hand-picked daw talaga siya ni Brocka na gumanap bilang younger sister ni Nora sa nasabing pelikula. 


Pinili siya ni Brocka dahil may hawig daw siya kay Nora. Naka-two days daw siya ng shooting at kumita ng P350/day. That time, napakalaki na raw ‘yun at sa kanya bilang college student.


At nu’ng namatay daw si Brocka, iyak sila nang iyak ng mga kasamahan niyang aktor sa PETA.  


Umiyak daw sila ‘di dahil namatay si Brocka kundi dahil wala na ang nangakong tutulong sa kanila na masama sa marami pang movie projects ng legendary director.


As for Direk Brillante, madalas daw na binibisita talaga ni Ruby ang international award-winning director sa kanyang bonggacious home.


Anyway, present ang executive and staff ng Centerstage Productions ni Direk Brillante sa kanyang birthday party.


Next month ay babalik ng Japan si Direk Brillante kasama ang kanyang production team para tapusin ang nabitin niyang movie.


Inaasikaso rin ni Direk Brillante ang muling nagbabalik na Sinag Maynila Film Festival.

Again, happy birthday to Direk Brillante Mendoza!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page