top of page
Search
  • BULGAR

Kahit BFF pa… PACQUIAO, SUSUPORTAHAN LANG NI CHAVIT SA PAGKA-PANGULO KUNG WALANG MATINONG KALABAN

ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 24, 2024




Bukod sa pagiging successful and big time businessman, isa ring philanthropist ang dating gobernador ng Ilocos Sur na si Luis "Chavit" Singson.


Marami siyang charity works at kapag eleksiyon, it's an open book naman na isa siya sa mga big time financiers ng mga kumakandidatong pulitiko.


Dati niyang sinuportahan ang former President na si Joseph Ejercito Estrada. At maging ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, sinuportahan din niya nang tumakbong senador.


Pero matatandaang nang magdesisyon si ex-Sen. Manny na tumakbong pangulo, nagkaroon sila ng 'di pagkakaunawaan at muntik na ngang maging friendship over sa kanila ng boxing champ.


But that's all in the past, ngayon ay friends na raw uli sina Manong Chavit at Manny Pacquiao.


Kaya naman natanong namin ang big time businessman nang imbitahan niya last Saturday ang aming grupo ng mga Entertainment editors na SPEEd sa kanyang bahay para sa isang sumptuous dinner kung susuportahan na ba niya si Sen. Manny kapag tumakbo itong pangulo sa susunod na presidential elections. 


Sagot sa amin ni Manong Chavit, "Tutulungan ko, pero 'pag may nakita akong mas qualified…" and so read between the lines na lang, mga Ka-Bulgar.


Oh, 'di ba, ganyan talaga ka-honest sumagot si ex-Gov. Chavit.


Kaya nga when asked namin kung sino ba ang maituturing niyang pinaka-BFF (best friend forever), sabi na lang niya, marami raw dahil ayaw niyang magtampo ang iba.


Baka nga naman ma-Marites na naman siya, hahaha!


Anyway, nabanggit din sa amin ni Gov. Chavit na kung may mga kaibigan siyang tinulungan, meron ding ilan sa mga ito ang nagtraydor at nanloko sa kanya. 


Pero kesa raw ma-stress, pinababayaan na lang niya ang mga ito dahil ang katwiran niya, hindi naman siya ang magdadala nu’n. 


Well, tama naman. Kaya ayan, patuloy naman siyang bine-blessed lalo’t may mga bata rin pala siyang pinag-aaral, ha? 


Wow naman!!!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page