top of page

Kahit away-bati at may sakit din… DIALYSIS NI LOLIT SOLIS, SAGOT NI KRIS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 29, 2022
  • 1 min read

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | September 29, 2022


ree

Iba nga magmahal ng kaibigan niya si Kris Aquino dahil kahit may kinakaharap siyang matinding karamdaman ay hindi pa rin niya nalilimutang mag-offer ng tulong.


Isang halimbawa si Manay Lolit Solis na kahit may tampuhan sila ay hindi naman nagtatagal. Sabi nga ng kilalang talent manager, "No mean bone si Kris."


Ipinost ni Manay Lolit sa kanyang Instagram account ang larawan ng latest pictorial ng mag-iinang Kris, Joshua at Bimby at pinuri nga niya ito.


Aniya, “Kaya hindi ko puwede hindi mahalin si Kris Aquino dahil lagi siyang ready to help out kung kailangan mo siya, Salve.


“Dahil nasabi sa kanya ni Ronite @dpersonalshopperph na nagda-dialysis ako, kaagad niyang ipinatawag si Alvin (Gagui – Chief of Staff ni Kris) para alamin kung ano (ang) kailangan ko at ibibigay niya agad.


“To think na meron siyang sakit at nasa abroad siya. Talagang kahit love/hate ang relationship naming dalawa, hindi talaga nalimutan ni Kris Aquino ang naging friendship namin.


“Kahit kelan, sasabihin ko na walang mean bone si Kris. Puwede na naughty siya, tactless pero magaan at bukas-palad siya dahil mabait ang puso niya. More than anything, gusto kong gumaling si Kris para sa mga anak niya.


“Sana naman, anuman ang sakit niya, gumaling na at maging energetic siya uli. Kris Aquino will always be special sa lahat ng tao na natulungan niya, sa mga kaibigan niya, at lalo na sa nagmamahal sa kanya.


“Pagaling ka, Kris, don't stress yourself sa mga bagay na walang kuwenta, you are loved and you are worth the love. Thank you, will always remember your sweetness and kindness. Salamat talaga. #classiclolita #lolitkulit.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page