top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahit anong bash sa kanya… MARIAN, WA' PAKI NA 'DI MARUNONG MAG-INGLES BASTA MAGALING DAW UMARTE

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 4, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | April 4, 2022




Hanggang ngayon, ginagawang isyu pa rin ng ilang bashers ni Marian Rivera ang hindi niya pagsasalita ng English. Ginagawang big deal ito ng iba dahil ikinukumpara si Marian sa mga artistang pasosyal at inglesera.


Pero may kumpiyansa si Yan-Yan sa kanyang sariling kakayahan. Katwiran niya, kinuha siyang artista at nagustuhan ng publiko dahil sa kanyang talento sa pag-arte, hindi dahil sa magaling siyang magsalita ng English.


Marami ngayon sa mga local stars natin na halos ayaw magsalita ng Tagalog kapag kinakausap at ini-interview. Naturingang mga Pilipino at nagtatrabaho sa local movie industry, pero daig pa ang mga Amerikano sa pag-i-Ingles.


Si Marian, nagpapakatotoo lang. Hindi siya ang tipong nagpapa-impress sa kapwa kaya panay-panay ang pagsasalita ng English kahit wala naman sa malalaking events.


Ang Tagalog language ang patuloy niyang gagamitin dahil siya ay isang Pilipino. At komportable siya sa kanyang pagsasalita ng Tagalog. Maging ang kanyang mga anak na sina Zia at Baby Sixto ay marunong ding magsalita ng Tagalog kapag nasa bahay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page