Kahit anak pa ni Erap… JAKE, SUKI NG UKAY-UKAY
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 10, 2023

Mukhang kakaririn na nang husto ni Jake Ejercito ang kanyang pag-aartista. Kung dati ay urong-sulong siya sa kanyang showbiz career at mas gusto niyang luminya sa pagnenegosyo, ngayon ay desidido na siyang magseryoso sa pag-aartista.
At nasa dugo naman ni Jake ang likas na talento sa pag-arte. Masuwerte siya at naging madali ang kanyang pag-enter sa showbiz dahil sa mga connections niya.
Guwapo, maporma at marami na rin ang nakakakilala kay Jake. Ganunpaman, hindi niya ginamit ang impluwensya ng kanilang pamilya para sa kanyang showbiz career.
Nabigyan na rin siya ng ilang TV exposures. Pero ang pinakamalaking role ay ang makapareha niya ang Chinita Princess na si Kim Chiu sa isang TV series, ang Fit Check: Confessions of an Ukay Queen.
Kasama rin sa cast sina Christopher de Leon, Angel Aquino, Liza Lorena, Kylie Versoza KakadKaren at marami pang iba. Romantic-comedy ang tema ng Fit Check, kaya tiyak na maraming viewers ang talagang kikiligin.
Medyo naninibago at nahihiya pa si Jake sa mga unang araw ng taping nila ni Kim.
Nakaka-relate naman siya sa kuwento ng Fit Check: Confessions of an Ukay Queen dahil tulad ni Kim ay mahilig din siyang mamili sa ukay-ukay.
Mahilig kasi si Jake na maghanap ng mga kakaibang vintage items, kaya’t pamilyar siya sa mga thrift shops at ukay-ukay.
Thankful si Jake dahil very supportive ang kanyang mga co-stars at inaalalayan siya ng mga ito sa bawat eksena.
Ang Fit Check: Confessions of an Ukay Queen series ay collaboration ng ABS-CBN Entertainment, Dreamscape Entertainment at Prime Video.
For sure, proud na proud ang pamilya Ejercito kay Jake dahil gumagawa na rin ito ng kanyang sariling pangalan sa showbiz, ganu'n din ang anak niyang si Ellie na teen-ager na ngayon.





Comments