top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahit 67-anyos na ang mister… PAULEEN, HUMIHIRIT PA NG ISANG ANAK KAY BOSSING VIC

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 6, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | February 06, 2022




Humihirit pa ng isang anak (or more) si Pauleen Luna sa kanyang mister na si Bossing Vic Sotto na ngayon ay 67 years old na.


At may request naman ang anak nilang si Baby Tali na sana raw ay baby girl para meron na siyang baby sister na makakalaro.


Para naman kay Pauleen, kahit na boy or girl ang ibigay sa kanila ay okey lang. Gustung- gusto na niyang magkaroon ng bagong baby na aalagaan.


Malaki na si Baby Tali kaya puwede nang masundan. At magiging masaya ang kanilang tahanan kung may bagong baby na darating.


Sey naman ng mga netizens, sana, baby boy ang susunod na anak ni Pauleen para meron silang “little Vic Sotto”.


Kahit pa meron nang Oyo Boy at Vico Sotto, iba pa rin kung sakaling magkakaroon siya ng anak na lalaki kay Pauleen Luna.


At tiyak, hindi naman pagseselosan ito ni Baby Tali na sobrang close sa kanyang Daddy Vic Sotto.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page