Kahit 6 beses pa rin kumakain sa isang araw… SHARON, PROUD NA 85 LBS. ANG IPINAYAT
- BULGAR

- Mar 28, 2022
- 2 min read
ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | March 28, 2022

Malaki na talaga ang ipinayat ni Sharon Cuneta at konting kembot na lang ay babalik na siya sa dati niyang katawan noong dalaga siya.
Ayon kay Sharon, it took her 6 years bago pumayat nang ganito at kasalanan daw niya dahil nga pasaway din siya sa pagkain.
“For those of you asking, I’ve lost a total weight of – I haven’t weighed recently, but based on the size of my clothes, 80-85 lbs. in 6 years. But I could’ve done it in one year, which I didn’t,” pahayag ni Sharon sa vlog ng celebrity doctor na si Aivee Teo.
Dati raw kasi, kapag nagda-diet siya at pumayat na nang konti, kumakain ulit siya ng marami kaya ang tendency nga ay tataba siyang muli.
Pero nang nagtagal ay nasanay na raw ang tiyan niya sa pakonti-konting kain kaya naman unti-unti na siyang pumayat.
At nang makita ang resulta, lalo siyang na-inspire dahil ginawa rin siyang inspiration ng mga kababaihan, lalo na nga ‘yung mga kasing-edad niya.
Isa pa raw na nakaka-happy sa kanya at naging motivation niya rin na ituluy-tuloy ang pagpapapayat ay kapag naisusuot na raw niya ‘yung mga dati niyang damit noong payat pa siya.
“I regret that throughout my 40s, I was fat. I lost a decade. And if only I could take that decade back, I would be able to do so many things. If only I could take it back now, I would do so much more. But better late than never,” she said.
“Nanghihinayang ako for all the time I lost when I was so matakaw,” sey pa niya.
Naibahagi nga rin niya na noong mataba pa siya ay may heart problem siya na ngayon ay wala na.
“My resting heart rate, 'pag tulog ako, ‘yung heart rate ko, para akong nagdya-jogging, ang taas-taas! Wala na ngayon,” kuwento ni Megastar.
Dati pa nga raw, kaunting akyat lang niya ng hagdan ay hinihingal na siya, pero ngayon ay hindi na. May mga running scenes daw siya sa FPJ’s Ang Probinsyano at hindi na raw siya hinihingal.
“Oh, my God, talagang it helps, so you have to take care of your health,” aniya.
Itutuluy-tuloy pa raw niya ang pagpapapayat at ayaw na raw niya talagang bumalik sa dati niyang katawan. Ang goal niya ay mag-lose pa raw ng 20 lbs.. Gusto raw niyang makalaro pa ang kanyang magiging apo in the future.
Sa nasabing vlog ay ibinahagi ni Sharon ang diet program niya na naging susi ng kanyang pagpayat.
“You know what, I eat like 6 times a day, very little, parang appetizer sizes. Kasi that’s all I need,” aniya.
Kinakain daw niya lahat kahit matatamis pero pakonti-konti lang.
“'Pag natikman mo na, na-satisfy na ‘yung sweet tooth mo, ‘yung cravings mo, you don’t have to finish the whole plate,” payo ni Shawie.
Mensahe niya sa mga kasing-edad niyang may weight problems din, wala raw ‘yan sa age kundi talagang disiplina at determinasyon lang.





Comments