Kahit 45 na… PIOLO, GAME SA TIKIMAN, ATRAS MAGKADYOWA
ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 23, 2022

Two years ago nang unang maging bahagi ng Beautederm Corporation si Piolo Pascual bilang endorser ng Beau soap. Pero dahil nasa kalagitnaan pa ng pandemic noon, hindi siya naiharap ng CEO ng Beautederm na si Ma'm Rhea Anicoche-Tan sa mga press people para i-launch.
Kaya sa ginanap na renewal of contract ni Papa P. kahapon sa Luxent Hotel, kung saan this time ay ang Koreisu Family Toothpaste naman ang kanyang ine-endorse amongst all the Beautederm products, obyus sa guwapo pa ring aktor ang pagka-miss na humarap sa presscon.
Dream come true para kay Ma'm Rei ang makuhang endorser si Piolo dahil nagsisimula pa lang daw siya noon sa kanyang business 13 yrs. ago, ang aktor na ang pangarap niyang mag-endorse ng kanyang products.
Pero dahil wala pang pambayad ng malaking talent fee si Ma'm Rei that time, nag-ipon daw muna siya nang nag-ipon hanggang ngayon nga, kasama na si Piolo sa 70 plus endorsers ng Beautederm.
Anyway, dahil Koreisu Family Toothpaste ang ine-endorse ni Piolo, natanong namin siya kung ano ang ultimate turn-on and turn-off para sa kanya sa isang babae.
Inamin naman ni Piolo na napakahalaga ng hygiene kaya siyempre, ultimate turn-off sa kanya ang body odor at bad breath.
Habang ang nakaka-turn on naman daw sa kanya sa babae ay hindi ang physical looks kundi ang ugali nito, na siyempre pa, ang hanap niya ay 'yung mabuting tao, humble and malaki ang faith kay God na tulad niya.
Samantala, at his age now na 45, natanong din namin si Papa P. kung okay pa rin sa kanya ang kissing scenes with his leading ladies, lalo't toothpaste nga ang endorsement niya, na siyempre, sana mai-sample niya sa kanyang ka-kissing scene kung gaano ka-fresh ang kanyang breath.
Game na game pa rin naman daw si Piolo sa kissing scenes at in fact, nabanggit nga niyang may pinag-uusapan silang reunion movie project ni Bea Alonzo na kahit nasa GMA-7 na, hindi naman daw exclusive sa network kaya puwedeng-puwede pa rin silang magsama. So, abangan na lang 'yun.
But when asked again kung naghahanap ba siya ng girlfriend…. sorry, girls, masaya na raw si Papa P. being single at 'plantito' sa Batangas kaya hindi niya priority ang love life.
Awww! Sayang naman ang lahi ni Papa P., baka ang anak na lang niyang si Iñigo Pascual ang magkalat ng magagandang anak sa mundo, hah?!





Comments