Kahit 3 na ang anak nila… AJ, TANGGAP NA ‘DI MAPAPAKASALAN NI ALJUR
- BULGAR

- 9 minutes ago
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | November 21, 2025

Photo: IG ajravsss
Mahal na mahal ni AJ Raval si Aljur Abrenica, kaya naman kahit marami ang nagsasabing hindi naman siya mapapakasalan nito kahit tatlo na ang kanilang anak dahil hindi pa annulled ang kasal ng aktor kay Kylie Padilla, tanggap ni AJ ang kanyang sitwasyon.
Sapat nang kasama niya si Aljur at masaya sila bilang isang pamilya. Maging ang mga magulang niya ay tanggap na rin na hindi siya mapapakasalan ni Aljur.
Bagama’t sinasabi ni Kylie na tanggap niyang hindi na maibabalik ang dati nilang relasyon ng aktor, masakit pa rin na malaman na mas pinili ng dating mister si AJ at may tatlo na silang anak.
May kahati na sa atensiyon at panahon ni Aljur ang mga anak nilang sina Alas at Axl.
Hindi raw si Sugar Mercado ang dahilan kung bakit nagkawatak-watak noon ang grupong Sexbomb Girls. Ito ang nilinaw nina Jopay Paguia at Aira Bermudez nang mag-guest sila sa programang Your Honor (YH).
May umiikot kasing balita noon na si Sugar, na dating kasama sa Sexbomb Girls, ang dahilan kaya nagkawatak-watak ang sikat nilang grupo. Marami raw sa mga fans ang nagalit nang awayin at i-bully ng mga original na Sexbomb Girls si Sugar Mercado kaya ginawa itong issue ng marami.
Nabalita noon na nagkaroon ng away ang mga girls. Nagkainggitan at nagkampi-kampihan kaya inalis na sila sa Eat… Bulaga! (EB!) at nawalan ng exposure.
Kaya nag-produce na lang ng afternoon soap ang manager ng Sexbomb Girls na si Joy Cancio, ang Daisy Siete (DS). Dito nahasang umarte ang mga Sexbomb Girls.
Matagal ding hindi sila nagkasama-sama at nagkaroon ng sari-sariling buhay. May ilan sa kanila ang nakapag-asawa abroad, may iba namang may negosyo na.
Si Jopay Paguia ay mabentang Zumba instructress kasama ang mister na si Joshua Zamora, at kumikita sila nang malaki.
Samantala, marami ang natuwa sa reunion show ng Sexbomb Girls na gagawin sa Araneta Coliseum sa December 4. Sold-out na ang tickets at maraming fans ang nagre-request na mag-extend ang show. Kaya sa December 5 ay puwede pang manood ang mga fans ng Sexbomb Girls: The Reunion.
SA kabila ng kanyang pagkakasibak bilang Deputy Director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), tuloy pa rin ang buhay para kay Arnell Ignacio.
Bagama’t aminado siyang nalungkot at na-depressed, hindi niya hinayaan na
makaapekto ito sa kanyang buhay.
Humanap si Arnell ng mga bagay na puwede niyang pagkaabalahan upang maging kapaki-pakinabang ang bawat araw.
Nagtayo siya ng isang lugawan sa Marikina City. Nahilig din siya sa pag-aalaga ng mga isda. Nagpagawa siya ng malaking aquarium para sa mga aalagaang iba’t ibang variety
nito.
Punumpuno ng sigla si Arnell sa kanyang mga ginagawa. Muli rin niyang binalikan ang pag-arte at kasama siya sa pelikulang Jackson 5.
Well, dapat ngang gayahin ang magandang attitude na ito ni Arnell Ignacio. Hindi dapat nagmumukmok at nagse-self-pity kapag may problemang dumarating. Patuloy pa rin siyang naghahatid ng saya sa kanyang mga tagahanga.








Comments