top of page

Kahit 24 yrs. ang age gap… MARIS, SI RICO NA ANG GUSTONG MAKASAMA HABAMBUHAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 22, 2022
  • 2 min read

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | February 22, 2022





Mayo, 2021 nu'ng ma-announce na mag-boyfriend-girlfriend na sina Rico Blanco at Maris Racal.


Nag-umpisa ang lahat sa collaboration nila para sa kantang Abot Langit at du'n na rin nag-start ang sinasabi nilang "spark" sa una nilang pagmi-meet.


After the song, in-announce na nga nila na magdyowa na sila.


“Sa akin, at that time, wala naman akong any assumption or kung ano'ng mangyayari. Kinilig lang ako sa fact na naka-collab ko si Rico Blanco as isa sa mga idols ko sa OPM and 'yun lang talaga 'yung kilig ko. Wala nang anything more,” bungad ni Maris nang maitanong ang tungkol sa una nilang pagkikita ng singer.


Mukha namang going strong ang relasyon ng dalawa, na unang sinabi ng binata na si Maris ang nagpapasaya sa kanya ngayon dahil umano sa kanyang constant positivity. At ganu'n din ang dalagang singer, may dahilan daw siya kung bakit masaya siya sa pakikipagrelasyon sa binatang mas matanda sa kanya ng 25 years.


Sa presscon ng The Goodbye Girl, naitanong kay Maris ang tungkol sa kanila ni Rico.


“Para sa akin, si Rico, ewan ko, if 'yung presence ko to him is like fun, happy vibe.


"Para sa akin talaga, I feel secured, I feel safe when he’s around and that’s what I like about being with him, parang safe talaga 'yung feeling ko 'pag 'andiyan si Rico.


"Feeling ko, any kind of problem or over thinking, 'pag sinasabi ko sa kanya, he always gives this logical reason kung bakit ko 'yun nararamdaman and unti-unti ko nang naiintindihan 'yung self ko and whatever I was thinking. Gusto ko na may ganu'n sa buhay ko and I’d like to keep that around,” paliwanag ni Maris.


Inihayag pa ni Maris sa The Goodbye Girl presscon na she's looking forward in the future na makasama si Rico habambuhay.


“I think parang feeling ko lang, the more na mas tumagal kami, I know, mas marami akong nilu-look forward sa relationship namin ni Rico and 'yung mga firsts namin and memories together.


Lalo na may mga plans kami na na-put on hold muna because of the pandemic. We didn’t really get to go out as much and travel and all. So 'yun 'yung nilu-look forward ko, more memories with him which is going to be a lot of fun and mas makikilala pa namin ang isa’t isa."


Tungkol naman sa 'hiwalay' sila noong V-Day o ang 'di nila pagde-date sa Araw ng mga Puso, “Naku 'yung Valentine’s ko ngayon, nagwo-work ako, so malayo ako kay Rico. Hindi kami magkasama. So 'yun 'yung Valentine’s Day ko, nagtatrabaho ako the whole day,” paliwanag ni Maris.


Sabi pa ni Maris, si Rico ang mentor niya sa music and she listens to any advice her boyfriend has for her.


“Si Rico naman, sasabihin naman niya 'yung totoo. Aside from myself, he’s my number one critic. So, binibigyan niya ako ng mga comments and all and I take that to heart.


Naiintindihan ko naman 'pag hindi niya gusto 'yung gawa ko, pero naa-appreciate ko," ani Maris.


At nagpapasalamat daw siya sa pagiging honest sa kanya ng BF.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page