top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kahit 2 pa lang ang serye… SHAYNE, GMA AFTERNOON PRIME DRAMA PRINCESS

BULGAR
Apr 12, 2022
1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | April 12, 2022




Ginanap noong isang gabi ang virtual mediacon ng bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na Raising Mamay na advocacy series dahil tungkol sa regressive behavioral disorder. Ang nasabing kondisyon na bumabalik sa pagkabata ang isang tao ang gagampanang karakter ni Ai Ai delas Alas.


Gumaganap na anak ni Ai Ai si Shayne Sava. Ang Raising Mamay ang biggest break niya at bilang si Abigail, siya ang mag-aalaga sa kanyang ina.


First time ni Shayne to work with Ai Ai na dati, sa TV at pelikula lang niya napapanood. Ngayon, nakikita, nakakausap at nayayakap pa niya si Ai Ai.


Anyway, ipinakilala si Shayne sa mediacon as "GMA Afternoon Prime Drama Princess" considering na second project pa lang niya ito at first afternoon series dahil ang Legal Wives ay primetime series. Wala kayang magreklamo sa mga nauna kay Shayne sa GMA-7?


Si Shayne, nagulat sa kanyang title, “Hindi ako makapaniwala nang marinig ko ‘yun at happy and proud ako. Parang sasabog ang puso ko at kinikilig ako.”


Sa April 24, 3:25 PM ang premiere ng Raising Mamay at dito itutuloy ang love team nina Shayne at Abdul Raman.


Si Don Michael Perez ang director ng series na magpapaiyak, magpapagalit at magpapatawa sa mga Kapuso viewers.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page