Kahit 1 year nang nagsasama… DEREK AT ELLEN, PROUD NA NEVER PANG NAG-AWAY
ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 17, 2022

Enjoy na enjoy pa rin ang showbiz couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay sa kanilang pamamasyal sa Peru at Bolivia bilang bahagi ng kanilang first wedding anniversary.
Ito ang pangarap gawin noon ni Derek na nagkaroon ng katuparan dahil sa misis niyang si Ellen.
Si Ellen ang nag-effort at nagplano ng kanilang anniversary celebration.
Overwhelmed naman si Derek sa husay ni Ellen na alamin ang magagandang lugar sa Peru at Bolivia na dapat nilang puntahan. Kaya walang pagsidlan ng kaligayahan si Derek, natagpuan na kasi niya ang kanyang "the one" na makakasama niya habambuhay.
One year na ang kanilang pagsasama ni Ellen bilang mag-asawa. Pero ni minsan ay hindi pa raw sila nag-away kahit madalas silang nag-aasaran at binu-bully ang isa't isa.





Comments