top of page
Search
  • BULGAR

Kahinaan ni Mayor Isko, lumabas dahil sa tandem na si Dr. Ong

ni Ka Ambo - @Bistado | September 25, 2021


Lumabas na ang kahinaan ni Mayor Isko.


Nabisto kung gaano kahina ang kanyang inner circle!


◘◘◘


NASUKAT ang kapasidad ng core group ni Isko nang piliin si Doc Wilie bilang tandem.


Loser sa senatorial election si Dr. Ong.


Hindi ito makatutulong kay Mayor Isko bagkus ay pasanin niya!


◘◘◘


DAHIL mahina ang katandem, hihina na rin ang hatak niya.


Hindi ‘yan paninira yan, kundi barometro sa mga susunod niyang desisyon!


◘◘◘


MAY ulat na idedeklara na rin ng KBL si ex-Sen. Bongbong Marcos bilang presidential

candidate.


Tulad ni Isko, hindi dapat magpadalus-dalos si Marcos!


◘◘◘


MAHALAGA ang papel ng core group sa pagdedesisyon.


Dapat sinusuring mabuti ang bawat aspeto o implikasyon ng bawat desisyon at pagkilos!


◘◘◘


MAAARING malakas ang kandidato tulad nina Mayor Isko at Marcos.


Pero mapapahina ito mismo ng dispalinghadong komposisyon ng core group!


◘◘◘


MAY mga pagkakataong nasisilat ang kandidato dahil sa palpak na diskarte ng core group.


Ang mismong inner circle ay tumitimbog mismo sa sarili nilang kandidato!


◘◘◘


WALA pang desisyon ang Comelec kung sino sa 2 paksiyon ng PDP- Laban ang maa-accredit sa 2022 election.


Apektado ang kandidatura nina Sen. Manny Pacquiao at P-Digong!


◘◘◘


NAIWANAN na sa pansitan si VP Leni.

Bigla kasing nagdeklara si Mayor Isko.

Nagmamatigas naman sina Pacquiao at Sen. Lacson.


Malinaw na malabo na ang united opposition!


◘◘◘


DAPAT palawigin ang voter’s registration.


Siyempre!


◘◘◘


GAWING 24-hour open ang voter’s registration.


Dapat magdagdag ng tauhan ang Comelec!


◘◘◘


HINDI natin alam kung paano reresbak ang mga botante laban sa mga incumbent officials nandambong ng COVID-19 fund.


Sorpresa ‘yan!


◘◘◘


WALANG ulat kung kakandidatong senador ang DOH boss na si Francisco Duque.


Marami kasi siyang campaign fund!


◘◘◘


MARAMI nang magulang na nais ibalik ang face-to-face school class.


Nahihirapan silang sumagot sa math module nang walang tutor!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page