Kaduda-dudang proseso kung paano kumukuha ng COVID-19 data ang DOH at IATF, talupan!
ni Ka Ambo - @Bistado | September 28, 2021
Palpak ang DOH at IATF dahil sa kawalan ng “entry” sa bilang ng mga namatay.
Wala silang maayos na paliwanag hinggil d’yan!
◘◘◘
TUMPAK ang ating opinyon na dapat pagdudahan ang proseso kung paano kumukuha ng datos ang DOH at IATF kaugnay sa COVID-19.
Ang mga kaduda-dudang datos na araw-araw inilalabas ay siyang naglalarawan ng pekeng sitwasyon sa panahon ng krisis!
◘◘◘
SA ngayon, dalawa ang pinagmumulan ng datos upang masuri ang sitwasyon.
Una, ang dispalinghadong datos ng DOH at IATF.
Ikalawa, ang aktuwal na datos na nakakalap ng mga tao mula sa personal nilang koneksiyon sa mga kaibigan, kaanak at kapitbahay at kakilala!
◘◘◘
SA personal nating datos na nakakalap, mas marami ang hindi naire-report na kaso ng COVID kaysa sa naire-report.
Napakarami ng gumaling mula sa COVID-19 na hindi kasama sa datos ng DOH at IATF dahil kani-kanyang gamutan ang mga may mild symptoms!
◘◘◘
PAULIT nating binabanggit ito sapagkat mahalaga ang datos upang masapol ang tamang desisyon at aksiyon.
Kung tayo ang tatanungin, tapos na talaga ang krisis sa COVID-19 dahil sa massive vaccination!
◘◘◘
KUNG natatandaan ng mga sumusubaybay sa ating column, hindi kailangan ang 50-million vaccinated individual para magkaroon ng herd immunity sa Pilipinas, bagkus ay kailangan lang ay humigit kumulang 25 million vaccinated people.
May sapat ng bilang ng mga vaccinated individual sa Metro Manila kaya asahan ang herd immunity!
◘◘◘
UNDER control na ang COVID sa Pilipinas at maging sa buong bansa.
Hindi ito nangangahulugang wala nang magkakasakit ng COVID.
Mayroon pa rin magpo-positive
Pero bihira na ang maoospital at mamamatay!
◘◘◘
PUNO ang ospital kasi’y ang mild cases ng mayayaman ay nag-i-stay cation sa ospital.
Mayayaman at may “cash” ang pumupuno ng mga ospital dahil sa modus-operandi ng mga buwitre!
◘◘◘
HINUHUTHOT ng mga ospital ang salapi ng mayayaman kaya’t nauubos ang ward para sa mahihirap.
Dahil d’yan, napagkakamalang may krisis sa COVID kahit wala na!
◘◘◘
MALING datos ang pinagbabatayan ng DOH, IATF at PR firm na OCTA research kaya’t dispalinghado ang kanilang espekulasyon.
Bigo ang DOH at IATF na makakuha ng maayos at kompletong datos sa COVID dahil sa katamaran at korupsiyon!
◘◘◘
DAPAT balasahin ni P-Digong ang DOH at IATF upang magkaroon ng inobasyon o bagong diskarte kaugnay ng krisis.
Matigas ang ulo ni P-Digong at nagtetengang-kawali.
Karaniwang sakit ‘yan ng tumatanda at nag-uulyanin!





Comments