top of page
Search
  • BULGAR

Kaduda-dudang kontrata ng PhilHealth at Red Cross

ni Ka Ambo - @Bistado | October 27, 2020



Pinagdududahan ang kontrata ng PhilHealth at Red Cross.


Malaki ang tama ninyo!


◘◘◘


Halos isang bilyong piso raw ang maitatakbo ng Red Cross.


He-he-he!


◘◘◘


Hindi na hihigpitan ang mga OFWs.


Dapat lang!


◘◘◘


Nakahukay na ng lupa ang nasa spacecraft mula sa isang asteroid.


Pero, unti-unting natatapon ito sa kalawakan mula sa lalagyang maluwag ang takip.


Huh, sayang naman!


◘◘◘


Iniimbestigahan ang pinasok na kontrata ng ABS-CBN sa non-commercial TV network.


Namputsa, sabit na naman!


◘◘◘


Isang kongresista ang nahatulan ng graft and corruption.


Sampol pa lang ito!


◘◘◘


Talamak ang korupsiyon sa Duterte Administration.


Hindi nalalayo sa Cory at FVR administration!


◘◘◘


Bagsak na ang presyo ng palay, nabagyo at nabaha pa.


Daig pa ng COVID ang sinapit ng mga magsasaka!


◘◘◘


Nagsasarado na ng mga oil refinery.


Lugi na ang negosyo ng langis!


◘◘◘


Nagsisimula nang gumire ang mga presidentiables.


Baka madale ulit kayo ng isang dark horse!


◘◘◘


Dinaya raw ang resulta ng Miss Universe Philippines pageant.


Parang eleksiyon, walang nagwawagi, meron lang nadadaya!


◘◘◘


Umiiskor ang democrats laban sa republican sa US elections.


‘Yan na naman kayo, baka silat ulit ang abutin ninyo?


◘◘◘


Pumapalag ang mga militante dahil minamarkahan sila bilang komunista.


Lehitimo ang pagsusulong ng ideolohiyang komunismo batay sa ating Konstitusyon.


Ang ipinagbabawal ay ang marahas at madugong pagbabago sa istruktura ng gobyerno.


Dapat itong linawin ng Malakanyang!


◘◘◘


Ang lahat ng ideolohiya ay patungo sa positibong pagbabago ng lipunan.


Nagkakahiwa-hiwalay lang sila sa paraan o sistema kung paano babaguhin ang lipunan!


◘◘◘


Dapat maunawaan ng mga sundalo ang pulis—kung ano ang tunay na kahulugan ng ideolohiya para hindi sila maligaw at magkamali sa implementasyon ng batas.


Kapos ang diskarte ng gobyerno na ipaliwanag ang isyu sa ideolohiya—nang lantaran sa publiko!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page