top of page
Paul Salas, Mikee Quintos at Jeo Ong - IG - PBB YT.jpg

Netizens, tuwang-tuwa… YAMAN NI ROBBIE, ‘DI UMUBRA SA PBB HOUSE

Writer: BULGAR
BULGAR
7 hours ago
3 min read

by Info @Special Article | November 9, 2026



Netizens, tuwang-tuwa…
YAMAN NI ROBBIE, ‘DI UMUBRA SA PBB HOUSE

Photo: Robbie Jaworski - PBB YT



Nagulat ang mga manonood ng Pinoy Big Brother Collab 3.0 nang ibulgar na hindi pala official housemate si Robbie Jaworski, kundi celebrity house guest at secret collaborator ni Kuya.


Akala ng marami ay isa siya sa mga housemates na maglalaban-laban para maging ‘Big Winner’, pero iba pala ang kanyang mission.


Sa unang task, nakipagtulungan si Robbie kay Mikee Quintos para gumawa ng miniature PBB house nang palihim. Dahil matagumpay nilang natapos ang challenge, nakakuha sila ng P10,000 para sa charity.


Hindi pa roon natapos ang kanilang misyon dahil tinuruan naman nila sina Anthony Constantino at Nicole Fortuna na bigkasin, unawain at i-translate ang lyrics ng PBB theme song na Pinoy Ako dahil hirap ang mga ito sa wikang Filipino. 


Nang makakuha ng 15 out of 20 correct answers sina Anthony at Nicole, nadagdagan pa ng P15,000 ang charity fund. Sa kabuuan, umabot na sa P25,000 ang naipon nilang donasyon.


Kaya naman, hindi lang pala basta pakikisama sa mga housemates ang ginagawa ni Robbie. May secret mission pala siyang kailangang tapusin habang hindi alam ng mga kasama niya ang tunay niyang role.


Samantala, kinatuwaan ang role niya sa vertical drama task nilang Hiling bilang isang pulubi. 

Sey ng mga netizens: 


“‘Yung ikaw ang pinakamayaman d’yan sa loob pero ginawa kang pulubi (cry emoji).”

“Ang cute ni Robbie, walang arte.”


“‘Pag ‘yan ‘yung pulubi na hihingi sa ‘kin ng barya, pati puso ko, ibibigay ko. Hahaha!”

“Lagot kayo kay Mikee Cojuangco. Hahaha!”


“Na para bang isa s’yang AI (artificial intelligence) character na president ng isang company tapos nagpanggap na pulubi para makahanap ng true love. Hahaha!”





HINDI raw basta-basta nagpatalo sa cancer ang namayapang komedyante na si Ate Gay (Gil Aducal Morales in real life) dahil sa matibay nitong pananampalataya at paniniwalang malalampasan niya ang matinding karamdaman.


Ayon sa malapit nitong kaibigan na si Wacky Kiray, nanatiling positibo at palaban si Ate Gay sa kabila ng sakit na kinakaharap.


Sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), binalikan ni Wacky ang unang pagkakataong ipinagtapat sa kanya ni Ate Gay na mayroon itong cancer.


“Mula nu’ng nagkasakit s’ya, nu’ng sinabi n’ya sa ‘kin na ‘Wacky, meron akong cancer.’ Sabi ko, ‘Ate Gay, ang cancer, nagagamot ‘yan. Dapat maging positibo ka sa buhay kahit may cancer ka. ‘Di ba, may tinatawag tayong mind over matter? Lahat tayo, ‘pag pinaandar mo ‘yung utak mo, pinaandar mo ‘yung pananalig mo, malalampasan mo ‘yan.’ Lumaban talaga s’ya,” pagbabahagi ni Wacky.


Ayon pa sa gay comedian, bago pumasok sa dressing room ng The Hideout, ang comedy bar kung saan madalas mag-perform si Ate Gay, ay may krus muna itong nadaraanan.


“Pagpasok n’ya, babati s’ya, tapos pupunta na s’ya ru’n sa tapat, buong araw, Tito Boy, ‘di pa s’ya sumasampa, nagpe-pray s’ya nang nagpe-pray,” kuwento ni Wacky.


Sa dressing room naman, makikita niyang nagdarasal si Ate Gay at hinihiling na sana ay tuparin ng Panginoon ang kahilingan niyang gumaling, lalo na’t napakabuti naman niyang tao.


Pinatunayan din ni Boobsie na hindi basta-basta nagpatalo sa sakit si Ate Gay dahil nanatili itong matapang sa kabila ng cancer. Ayon sa komedyana, kung ibang tao ang tinaningan na ang buhay, maaaring bumigay na.


“Pero si Ate Gay, ‘di mo s’ya makikitaan ng sakit. Kumbaga, sinasabi n’ya sa ‘min, ‘Bukol lang ‘to, bukol lang ‘to. Mawawala. Kita n’yo, ‘di ba nawala? Iba ‘yung angel ko, eh,’” sey ni Boobsie.


Ayaw din umano ni Ate Gay na nakikitaan siya ng kahinaan o kinakaawaan kaya nanatili siyang malakas sa harap ng kanyang mga kaibigan.


Kinumpirma rin ni Pepita Curtis ang pagiging palaban ni Ate Gay at ang matibay nitong paniniwalang gagaling siya sa kabila ng cancer.


Aniya, “Talagang iba ‘yung kumpiyansa n’ya na gagaling s’ya. At kahit nagkaroon s’ya ng cancer, ‘di naging hindrance ‘yun para mawala ‘yung connection n’ya sa Itaas.”


Anyway, baka hanggang du'n na lang talaga ang buhay na ipinahiram ni Lord sa gay comedian.


Rest in peace, Ate Gay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page