ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 24, 2024
Nanawagan si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Linggo sa mga Katoliko, na magbigay-liwanag para sa ibang tao ngayong Holy Week sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan at kababaang loob.
“May our inward reflections manifest in our outward actions as we strive to give hope in a world that is threatened by darkness. Let us be the light that shines through the shadows, the love that triumphs over despair, and the hope that radiates upon all humankind,” ani Presidente sa isang pahayag.
“May we be remembered not for what we have taken but for what we have given, not for the heights we have reached but for the light we have kindled in the hearts of our fellows,” dagdag niya.
Sinabi rin Marcos na ipinapanalangin niya ang mga tao na tanggapin nang may kababaang-loob ang kanilang tunay na sarili bilang hindi perpektong mga nilalang.
“Let us always remember to seek the Lord in our desires and to desire Him in our seeking. May we all have a meaningful and reflective Holy Week,” aniya.
Nagsimula nang magtungo ang mga deboto sa mga simbahan nitong Linggo ng umaga bilang pagsisimula ng Holy Week.
Magtatagal ang Holy Week hanggang Marso 30, Black Saturday, at susundan ng Easter Sunday, kung kailan ipinagdiriwang ng mga Katoliko sa buong mundo ang muling pagkabuhay ni Hesu Kristo.