top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Kabe-break pa lang kay Jeric… RABIYA, NAG-POST NG PIKTYUR NG GUWAPONG LALAKI SA IG

BULGAR
Jul 1, 2022
2 min read

ni Janiz Navida - @Showbiz Special | July 1, 2022



Hindi pa man natatapos ang breakup issue nina Miss Universe Phils. 2020 Rabiya Mateo at Kapuso actor Jeric Gonzales, may bago na namang isyung kinasangkutan ang beauty queen-turned actress kung saan hinihintay ng mga "Marites" ang kanyang sagot at paglilinaw.


Kung matatandaan, last week lang ay umingay na hiwalay na sina Rabiya at Jeric dahil nagkaroon na ng pag-unfollow at pagbubura ng pictures sa kani-kanilang Instagram account.


Walang kumpirmasyong narinig mula sa dalawa, bagama't nagpakawala ng ilang hugot quotes si Rabiya sa kanyang IG account.


Ang siste, hindi pa nga nabibigyang-linaw ni Rabiya ang totoong estado ng relasyon nila ni Jeric, heto't pinagpipiyestahan na naman siya ng mga netizens dahil sa ipinost niyang picture ng guwapong lalaki sa kanyang IG account, na base sa pagkaka-tag ni Rabiya ay si Tyler Mata, twin brother ng ex-PBB housemate na si Tanner Mata.



And what's more intriguing sa IG post ni Rabiya ay ang inilagay niyang mensahe sa picture ni Tyler na ganito ang nakasaad: "Thank you for always being there in my lowest. See you soon @itstylermata"


Napa-Google search tuloy kami kung sino si Tyler Mata at kung posible nga kayang siya na ang bagong BF ni Rabiya?


Well, ayon sa nabasa naming bio ni Tyler, model at Instagram celebrity pala siya na nagkaroon ng social following by posting professional body shot pictures and gym selfies.


Nag-join din pala sa PBB Lucky Season 7 ang 22-year-old half-American, half-Filipino heartthrob na ito kasama ang kanyang twin brother na si Tanner Mata.


In fairness, kung ikukumpara kay Jeric, aba, mas winner ang kaguwapuhan ni Tyler na mala-Superman ang arrive, ha?


Ang tanong lang ay kung wala ba itong girlfriend ngayon at wala kayang magre-react kung ma-link man sila ni Rabiya Mateo?


'Yun na!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page