Kabe-break lang daw noon… DOMINIC: RICO, DEPRESSED KAY CLAUDINE NANG MAMATAY
- BULGAR

- 7 days ago
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 30, 2026

Photo: Dominic Ochoa - Kay Susan Tayo - YT
Naging emosyonal si Dominic Ochoa habang ginugunita ang huling gabing kasama ang kaibigang si Rico Yan bago ito pumanaw noong March 29, 2002.
Bilang pag-alala sa ika-24 death anniversary ng dating heartthrob, nagpaunlak ng panayam ang aktor kay Susan Enriquez ng GMA-7 upang pag-usapan ang magagandang alaala ng kanilang friendship hanggang sa kamatayan nito.
Isa si Dominic sa mga kasama ni Rico na nagbakasyon sa Dos Palmas Resort sa Palawan, kung saan pumanaw ang dating heartthrob sa gulang na 27.
Ayon kay Dominic, kagagaling lang ni Rico sa breakup kay Claudine Barretto noon at medyo depressed ito, kaya nagyaya sa Palawan upang makalimot.
“We weren’t supposed to be there during that time. We did a show kasi for a mall in Davao na ang may-ari rin, ‘yung Dos Palmas,” pag-alala ni Dominic.
“To cut the long story short, there was a breakup that happened, and then Rico just wanted to go out of town and he bought tickets for everyone even without asking us kung sasama kami o hindi. So, obligado kaming samahan ‘yung lolo (Rico) mo,” patuloy niya.
“But I always believed na inilagay kami ng Diyos sa tamang lugar para samahan ‘yung tao,” aniya.
Aminado si Dominic na medyo nakainom sila ni Rico nang gabi ng March 28 dahil depressed nga raw ang kanyang kaibigan.
“I remember going home, going back to the villa, sinabi niya na ‘This is the best days of my life, puwede na kong…’” paggunita pa ni Dominic.
Ipinaliwanag niya na may sleep apnea si Rico at malakas itong maghilik kaya sa loft ito natutulog noon.
“Ang apnea kasi, parang you sleep, nahuhugutan ka ng hininga,” saad pa niya.
Madaling-araw na raw natulog si Rico at kinaumagahan ay pinuntahan siya ni Dominic sa loft para gisingin ito. Pero wala na raw itong buhay nang makita niya.
“When I woke up at 9:45 AM, and we tried to wake him up, he was… well, to go straight to the point, Rico passed,” malungkot na pag-alala ni Dominic.
Muli ay mariing itinanggi ng aktor ang mga kontrobersiya at intriga sa pagkamatay ni Rico na diumano ay nag-drugs sila noong gabi bago ito pumanaw.
“We never (took) anything, especially si Rico,” aniya.
Pinabulaanan din niya ang tsismis noon na sinaktan ni Rico si Claudine kaya nag-break ang dalawa.
“When someone wrote something about him doing this du’n sa babae, medyo nakakasama ng loob din. ‘Yun ‘yung tinatawag na ‘di pa uso ang fake news, may fake news na rin noon,” ani Dominic.
“‘Yung may nagsabi na nananakit s’ya, he’s not the type,” pagtatanggol ng aktor sa pumanaw na kaibigan.
Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa aktor ang mga paratang at akusasyon sa kanila noon hinggil sa pagkamatay ni Rico.
“It’s always a lesson na words can really affect people. So please be careful with the words na bibitawan po natin. Kahit lang ‘yung news na we took something? Parang come on guys, we’re mourning, namatayan kami ng tao, tapos gagawa kayo ng istorya na very detailed,” sey ni Dominic.
“I will never change my statement because it’s the truth and God knows that,” dagdag pa niya.
It took three years bago raw siya naka-recover at naka-move on sa pagkawala ni Rico.
Ayon pa kay Dominic, ayaw na raw sana niyang magpa-interview tungkol kay Rico dahil ayaw niyang masabi na ginagamit pa nila ang pagkamatay ng kaibigan at matagal na rin itong lumipas.
“Honestly, ayoko nito kasi ang tagal na, eh, 24 years na. Parang I wanna let it pass. Kumbaga, pagpahingahin na natin ‘yung tao,” aniya.
“And I don’t want people to think that we’re using him pa or… ‘di ba?” dagdag pa niya.
Kapag gusto raw niyang makausap si Rico, nagpupunta lang siya sa puntod nito pero hindi na raw niya kailangan pang i-video.
“I just go pray, I just go talk to him. ‘Yun lang,” aniya.
“‘Pag birthday niya, nagdadasal ako. Actually, may karera ako nu’ng birthday n’ya, eh. So I prayed to keep me safe. Ganu’n lang. But ‘di n’yo alam ‘yun. It’s an intimate relationship with him and my best friend. ‘Di kailangang i-post lahat. ‘Di kailangang malaman ng lahat,” ani Dominic.
Nang mahingan ng mensahe para kay Rico, saad ni Dominic na naging emosyonal, “Well, I just wanna keep it simple. We miss you, bro. ‘Yun lang.”




Comments