top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kabataan ang magdidikta ng susunod na lider ng bansa, maging wais tayo!

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 25, 2020
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | November 25, 2020



Pumayag na si U.S. President Donald Trump sa smooth transition patungo sa Joe Biden administration.


Ninenerbiyos ang ilang Pinoy!


◘◘◘


Bakit kaya ikinakalat sa social media ang Duterte-Duterte tandem sa 2022.


Dahil sa COVID-19, dumami na talaga ang may amats!


◘◘◘


Ang susunod na pangulo ng Pilipinas ay itutulak ng netizens ng social media.


Tama o hindi?


◘◘◘


Ang mga kabataan, sa unang pagkakataon ay siyang magdidikta ng susunod na pangulo ng Pilipinas.


Kung sino ang maka-master ng social media, siya ang mga sorpresang magiging pangulo ng Republika!


◘◘◘


Bumagsak ang CPP-NPA-NDF hindi dahil sa AFP o PNP.


Bagkus, bumagsak ang komunismo sa pagkamulat ng kabataan gamit ang social media!


◘◘◘


Mababawasan ng kamandag ang mga traditional TV network.


Ito ay mapapalitan ng social media live streaming.


Pustahan!


◘◘◘


Nahihirapan na ang mga titser at estudyante sa online class.


‘Yan ang totoong dahilan ng rekomendasyon na itiklop ito at magkaroon ng “mass promotion”!


◘◘◘


Hindi mula ang lola ng mga lola na si Sec. Leonor Briones sa realidad ng sitwasyon.


Hindi niya gagap ang modernong lipunan!


◘◘◘


Maging ang may edad nang si P-Digong ay kapos ang pang-unawa sa modernong sibilisasyon.


Dahil d’yan, hindi tayo makakaasa ng tumpak at epektibong desisyon!


◘◘◘


Alipin ang gobyerno sa buong daigdig ng modernisasyon sa komunikasyon at edukasyon.


Dapat mailuklok sa Malacañang ay kabataang aktuwal na gumagalaw sa gitna ng modernong lipunan!


◘◘◘


Marami ang nagugutom na biktima ng nagdaang kalamidad.


Pero, walang natatanggap na saklolo!


◘◘◘


Sa gitna ng modernisasyon, inutil ang gobyerno na saklolohan ang mga nagdarahop.


Inutil ang mga LGU executives na pinatatakbo din ng mga ugud-ugod na sa serbisyo!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page