top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Kabastusan ni Gadon ang dahilan ng kanyang pagkasuspinde, hindi pamumulitika

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 8, 2022
1 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | January 08, 2022



ONLI IN DA ‘PINAS LANG NA ANG GOBYERNO, NANGHIHINAYANG GASTUSAN ANG MAMAMAYAN–Dahil sa pananalasa ng Omicron variant, may mga nanawagan sa pamahalaan na magsagawa nang mass testing upang ma-isolate agad ang mga positibo sa virus, pero kinontra ito ni Health Sec. Francisco Duque III.


Aniya, mahirap itong gawin at masyadong magastos.


Sa ‘Pinas lang ‘yan, na ang gobyerno ay nanghihinayang gastusan ang mamamayan, lalo na’t may kaugnayan sa kalusugan, tsk-tsk-tsk!


◘◘◘


DELAYED RT-PCR RESULT NI SEN. LACSON, PATUNAY NA MAKUPAD ANG TUGON NG DUTERTE GOV’T. SA COVID-19–Galit na pinost ni presidential candidate, Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa social media na 40-oras na ang nakalilipas mula nang magpa-swab test siya, pero hindi pa rin lumalabas ang resulta ng kanyang RT-PCR test.


Kung ‘yung senador nga ay nasampulan sa napakabagal na serbisyo, paano pa kaya ang ordinaryong mamamayan?


Patunay ‘yan na makupad talaga ang tugon ng Duterte gov’t. sa laban kontra COVID-19, period!


◘◘◘


KABASTUSAN NI GADON ANG DAHILAN KAYA SIYA NASUSPINDE–Sabi ni Atty. Larry Gadon, na ang suspensiyong ipinataw sa kanya ng Supreme Court (SC) tungkol sa masasama niyang pananalita kay journalist Raissa Robles ay may bahid pulitika dahil kandidato siya for senator.


‘Sus, kung makapagsalita si Gadon, feeling niya ay napakalakas niyang kandidato para pulitikahin siya, eh, napakahina naman niya at patunay d’yan na sa naglalabasang survey ay palaging kasama ang kanyang pangalan sa mga kulelat na senatoriables.


Sa totoo lang, walang kinalaman sa pulitika ang pagsuspinde sa kanya kasi ang tunay na dahilan kaya siya sinuspinde ay dahil sobrang bastos ng kanyang bunganga, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page