Kaalaman tungkol sa kasong malicious mischief
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Magtanong Kay Attorney | September 11, 2021
Dear Chief Acosta,
Nagkagalit kami ng aking kapatid at marahil sa inis niya, sinadya niyang gasgasan ang aking sasakyan sa pamamagitan ng matulis na bagay noong siya ay papauwi na sa kanyang sariling tahanan. Maaari ko ba siyang mapanagot tngkol dito? – Gem
Dear Gem,
Ang paggasgas ng inyong sasakyan ay maaaring maituring na malicious mischief na ipinagbabawal ng Article 327 ng Revised Penal Code (RPC), na nagsasabing:
“Article 327. Who are liable for malicious mischief. Any person who shall deliberately cause the property of another any damage not falling within the terms of the next preceding chapter shall be guilty of malicious mischief.
Gayunman, ayon sa batas, may mga taong exempt sa pananagutang kriminal sa mga crimes against property, tulad ng malicious mischief. Ayon sa Article 332 ng RPC:
“Article 332. Persons exempt from criminal liability.—No criminal, but only civil liability, shall result from the commission of the crime of theft, swindling or malicious mischief committed or caused mutually by the following persons:
1. Spouses, ascendants and descendants, or relatives by affinity in the same line;
2. The widowed spouse with respect to the property which belonged to the deceased spouse before the same shall have passed into the possession of another; and
3. Brothers and sisters and brothers-in-law and sisters-in-law, if living together.
The exemption established by this article shall not be applicable to strangers participating in the commission of the crime.” (Binigyang-diin)
Maliwanag na upang ma-exempt sa pananagutan sa kasong malicious mischief ay kinakailangan na kayong magkapatid ay nakatira sa iisang bubong. At sa kadahilang hindi ito ang inyong sitwasyon, maituturing na hindi exempt sa criminal liability ang inyong kapatid para sa kasong ito, at maaari na siya ay makasuhan ninyo ng malicious mischief sa Office of the City Prosecutor ng lugar kung saan naganap ang panggagasgas ng inyong sasakyan.
Upang managot ang inyong kapatid, kinakailangan ninyong mapatunayan: 1) na sinadya ng inyong kapatid na gasgasan ang inyong sasakyan; 2) na hindi naman arson ang kanyang ginawa o crimes involving destruction; at 3) ang paggasgas sa inyong sasakyan ay basta lamang ginawa para lamang ito ay magasgas (Luis B. Reyes, The Revised Penal Code, Book Two (13th Ed.), page 753).
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.
Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.





Comments