Kaalaman sa astigmatism at paano ito gagamutin, alamin!
- BULGAR

- Jul 6, 2020
- 2 min read
ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | July 6, 2020

Dear Doc. Shane,
Ako ay isang dalaga na edad 26 at matagal na akong nagtatrabaho bilang encoder sa barangay. Nitong mga nakaraang linggo, tila nanlalabo ang aking paningin pero hindi naman malala. Sabi ng kasama ko ay baka may astigmatism na ako. Ano ba ang ibig sabihin ng astigmatism at paano ito gagamutin?
– Miranda
Sagot
Sa kabila ng mga pag-aaral, hindi pa tiyak kung ano talaga ang sanhi nito. Gayunman, paliwanag ng mga eksperto, puwedeng magkaroon ng astigmatism matapos ang aksidente, pagkakasakit sa mga mata o pagpapaopera at iba pa.
Ano ang sintomas ng astigmatism?
Ang panlalabo ng paningin ay siyang pangunahing sintomas ng astigmatism. Ito ay puwedeng dahil sa fatigue o sobrang paggamit ng paningin. Kung hindi ka makakita ng malinaw, makabubuti kung magpakonsulta agad sa doktor.
Ano ang gamot sa astigmatism?
Halos lahat ng kaso ng astigmatism ay magagamot sa pamamagitan ng pagsusuot ng salamin o contact lens. Kung ang sakit mo ay hindi malala at wala naman itong kasamang iba pang sakit sa mata, malamang ay hindi na magrekomenda ang doktor ng salamin o contact lenses.
May dalawang uri ng pamamaraan bilang gamot sa astigmatism:
Paggamit ng salamin o contact lens. Kung ikaw ay may astigmatism, ang doktor mo ay magrerekomenda ng espesyal na uri ng contact lens na ang tawag ay toric. Nakatutulong ito upang mabalanse ang pag-bend ng liwanag sa loob ng mga mata.
Refractive surgery. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng laser. Layunin ng nitong baguhin ang hugis ng iyong cornea. May iba’t ibang uri ng pag-oopera sa cornea, ngunit ang doktor mo ang siyang magpapasiya kung anong klaseng operasyon sa mata ang iyong kailangan.
Kung may astigmatism, maiiwasan mo ang mabilis na paglala nito sa pamamagitan ng pag-iwas sa sobrang pagpuwersa sa mga mata. Samantala, ang astaxanthin ay isang nutrient na kailangan para mapanatili ang magandang kalusugan ng mga mata. Ito ay makakatulong sa iyo para makaiwas ang pasyente sa pagkabulag. Ang astaxanthin ay mas mabisa kaysa sa lutein at zeaxanthin.


Comments