top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

KA TUNYING, NAIPAGAMOT ANG MAY CANCER NA ANAK DAHIL SA FB AT YOUTUBE

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 2, 2022
2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | August 2, 2022



Inamin ni Anthony Taberna a.k.a. Ka Tunying na napakalaking tulong ng Facebook at YouTube sa naging gastusin nila sa pagpapagamot sa anak na si Zoey sa Singapore.


Matatandaang lumipad pa-Singapore ang mag-anak na Taberna nitong early 2022 para sa medical procedure ni Zoey na na-diagnose ng leukemia in 2019.


Nanatili sila ng anim na buwan sa naturang bansa at kamakailan lang umuwi na may napakagandang balitang dala na isang malaking tagumpay ang treatment at cancer-free na ngayon si Zoey.


Kaya naman masayang-masaya ang Taberna family nang makaharap ng entertainment press last Sunday sa birthday celebration ng misis ni Ka Tunying na si Roselle Taberna at relaunching na rin ng kanilang Taberna Group of Companies. The event was called “Press Play.”


Ayon kay Ka Tunying, ready na talaga silang ibenta ang bahay na tinitirhan para nga sa medical expenses ni Zoey sa Singapore.


“Bago po kami magpunta ng Singapore, hindi ko naman masyadong iniintindi ‘yung Facebook saka YouTube, hindi ko siya masyadong iniintindi. Pero gusto ko pong sabihin sa inyo na ang Facebook at YouTube ay napakalaking bagay po sa akin nu'ng panahong nangangailangan ako ng pantustos,” sey ni Ka Tunying nang makatsikahan ng press sa nasabing event.


Kinausap na raw niya si Roselle at tinanong kung willing ba itong tumira ulit sa lumang bahay nila sa Novaliches sa tabi ng sementeryo dahil mukhang kailangan nilang ibenta ang bahay na tinitirhan.


“Alam n’yo, ang sagot ng misis ko kaya lumakas ang loob ko? Sabi niya, ‘Kahit saan tayo tumira, basta kumpleto tayo.’ Kaya sabi ko, ‘Okay, go tayo,’” sey ng batikang broadcaster journalist.


Pero hindi nila inaasahan ang mga dumating na tulong sa kanila dahil na nga rin sa social media tulad ng Facebook at YouTube. ‘Yung mga dati raw niyang natulungan ay nagsitawagan sa kanya para ibalik din sa kanya ang tulong ngayong siya naman ang nangangailangan.


“Ang dami ko palang natulungang mga tao in the past na hindi ko naman inaasahang babalik.


Sabi ko, napakabait talaga ng Diyos, eh,” he said.


Ngayong nalampasan na nila ang mabigat na pagsubok na dumaan sa kanilang pamilya, panahon naman para mag-focus ang mag-asawang Ka Tunying at Roselle sa kanilang negosyo.


Ang TBG ay binubuo ng Filipino restaurant na Ka Tunying’s; premier events and multimedia company na Outbox Media Powerhouse Corp; Tune In Kay Ka Tunying YouTube Channel at ang pinakabago nilang negosyo na Catering by KT.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page