top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

KA TUNYING, AMINADONG MAS MALAKI PA ANG KITA SA YOUTUBE KESA SA TV SHOW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 22, 2022
  • 2 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 22, 2022




Balik-telebisyon si Anthony Taberna or Ka Tunying matapos ang huling programa niya sa ABS-CBN na Kuha Mo in 2020. But this time ay sa bagong network na AllTV na siya mapapanood.


Sa solo presscon ni Ka Tunying kahapon para sa Kuha All na bagong show niya sa AllTV ay natanong nga ang batikang broadcaster and radio commentator kung bakit sa bagong network niya naisip na tumanggap ng kanyang comeback program at hindi sa ibang istasyon tulad ng GMA-7 or TV5.


Kuwento ni Ka Tunying, nang time na kinausap siya ng AllTV para sa bagong show, medyo nakakaraos na siya sa mga problemang dinaanan tulad nga ng pagkakasakit ng kanilang anak ni Roselle Taberna na si Zoey.


“Actually po, hindi naman po ako talaga gigil na gigil na magbalik talaga sa telebisyon,” aniya.


He revealed na bago ang AllTV ay ang TV5 muna ang kanyang kausap.


“Nang maging jobless po ako for a time, nagkausap pa kami ng TV5. Nagkausap po kami ni Boss MVP (Manny V. Pangilinan, isa sa may-ari ng Kapatid Network) for a possible partnership between myself and TV5. Kaya lang po, may mga hindi lang po nag-materialize kaya hindi kami natuloy.



“Talagang tiningnan ko rin naman po ‘yung opportunities sa iba,” he said.


“Pero ito pong AllTV, hindi lang sila nakipag-usap lang, eh. Bukod sa talkies, umaksiyon agad.


Ang bilis kumilos! Kumbaga, nag-iisip pa lang ako kung magdedesisyon ako o hindi, pero 'andiyan na, ipinapatawag na kami sa isang meeting,” patuloy ni Ka Tunying.


Hanggang sa nagkaharap na nga raw sila at naging napakaayos agad ng kanilang naging usapan.

Aminado si Ka Tunying na ayaw na raw sana niyang magbalik sa telebisyon at gusto na niyang i-give-up ang kanyang TV career.


“Dumating ‘yung pagkakataon na talagang sinabi kong ayoko na, eh. Gusto ko nang unahin ang pamilya ko, eh. Kasi, sobra pong exhausting po talaga ang magkaroon ng TV show/shows.


Sobra pong exhausting, sobrang time-consuming, sobrang stressful, 'pagka may mga gusto ka na hindi mo makukuha,” aniya.


Happy na raw siya sa kanyang YouTube channel, plus may mga negosyo rin siyang kailangang asikasuhin.


“Kaya sabi ko (sa AllTV), ‘Lakihan n’yo suweldo n’yo sa akin, kasi kung hindi n’yo lalakihan ang suweldo n'yo sa akin, eh, magyu-YouTube na lang ako.’ Ayun, kaya nilakihan ‘yung ano (talent fee) ko,” natatawang kuwento ni Ka Tunying.


“They gave me an offer that I couldn’t refuse. Eh, sino naman ako para tumanggi?” sey pa ng broadcast journalist.


Siyempre, nahilingan siya ng ‘talent fee reveal’ pero hindi na ito sinabi pa ni Ka Tunying.


“Hindi ko po masabi, pero gusto ko lang sabihin sa inyo that our management is a very generous management po,” saad niya.


Ang Kuha All ay isang public service program na may kinalaman sa mga krimen o aksidente, anomalya or kahit ano'ng mga interesting stories na nahahagip or nakukunan ng camera.


Pasabog nga raw ang pilot episode nila kaya dapat talagang abangan. Magsisimula na ngayong Nov. 26 (Saturday) at 5 PM ang Kuha All sa AllTV Channel 2.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page