Ka-love team ni Barbie, bagong Robin… DAVID, PANG-ACTION STAR NA
- BULGAR
- Jun 28, 2023
- 1 min read
ni Nitz Miralles @Bida | June 28, 2023

Tapos na o malapit nang matapos ang shooting nina Barbie Forteza at David Licauco ng movie nilang That Kind of Love ng Pocket Media Productions, kaya puwede na silang magsimulang mag-taping sa series nila na TV remake ng iconic Viva Films movie nina Sen. Robin Padilla at Sharon Cuneta, ang Maging Sino Ka Man.
Nag-look test na siguro ang BarDa love team dahil may mga lumabas na silang photos na ginaya ang mga eksena nina Sharon at Robin sa movie.
Wala pa ring ina-announce na cast, pero may nakapagsabi sa amin na kasama sina Juancho Triviño at Mikoy Morales.
Hindi nabanggit kung ano ang role ni Juancho, pero si Mikoy daw ang gaganap sa role ni Dennis Padilla sa movie. Reunion nina Barbie, David at Juancho ang nasabing series dahil magkakasama rin sila sa seryeng Maria Clara at Ibarra.
As for the director, ang nabanggit sa amin ay si Enzo Williams ang napiling magdirehe ng nasabing series nina Barbie at David.
Si Direk Enzo ang action director ni Sen. Bong Revilla, Jr. sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis at kung napapanood ninyo ang action-comedy series ni Bong, alam ninyo na matitindi ang kanyang mga action scenes. Tiyak na ganu’n din katindi ang mga action scenes na gagawin ni David.





Comments