Ka-love team, naiwan sa GMA-7… MAINE, GUSTONG MAKASAMA SI ALDEN SA TV5
- BULGAR
- Jun 23, 2023
- 1 min read
ni Beth Gelena @Bulgary Files | June 23, 2023

Hindi man kasama si Alden Richards sa paglipat nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at ng mga Dabarkads sa TV5, itinuturing pa rin siya ni Maine Mendoza na isang ‘legit’ Dabarkads.
Sa panayam sa TV host-actress, inamin niya na gusto niyang makasama muli ang dating ka-love team sa kanilang bagong noontime show sa Kapatid Network.
Matatandaang sumikat nang husto ang tambalan ng dalawa noon sa Eat… Bulaga!.
Inabangan at tinutukan ng libu-libong Pinoy ang mga eksena nina Maine at Alden sa segment na Kalye-serye.
Tanging ang aktor lang ang wala sa ginanap na grand mediacon sa TV5 Studio sa may Mandaluyong noong Martes, June 20, para sa pagsisimula ng bagong noontime show ng TVJ at mga legit Dabarkads sa darating na July 1.
Kahit na hindi nila kasama si Alden, patuloy pa rin daw ang communication nila sa isa’t isa. In fact, binibigyan daw nila ito ng update para sa kanilang upcoming noontime show sa Kapatid Network.
Sa ngayon, hindi pa raw alam ni Maine at ng iba pang hosts ng original EB! kung papayagan ng GMA-7 na lumabas ang aktor sa bago nilang noontime show sa TV5 dahil may kontrata pa rin ito sa nasabing network.
“Hindi ko alam kung paano ang mangyayari, pero si Alden naman ay legit Dabarkads. Hopefully.
Hindi ko pa rin alam, eh, pero hopefully, makasama namin siya rito sa show namin sa TV5.
"Oo naman. Kaming mga Dabarkads naman ay constant pa rin 'yung communication dito sa bagong show, bagong tahanan, 'yung mga updates, ganu’n pa rin," pagbabahagi pa ng soon-to-be misis ni Congressman Arjo Atayde.





Comments