Ka-love team, kaya sinagot na rin si Ricci… SETH, MATAGAL NANG MAY GF, TANGGAP NI ANDREA
ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters! | April 12, 2022

Tinanong kami ng aming source kung bakit masyadong nega ang dating ni Andrea Brillantes ngayong may boyfriend na siya, si Ricci Rivero?
“Kung tutuusin, wala namang isyu, kasi single naman si Andrea, matagal na,” diing sabi ng aming kausap.
At saka nito ikinuwento na, “Bakit si Seth (Fedelin), may dyowang iba, hindi naman big deal? Alam ba ng lahat na matagal na siyang may girlfriend? At okay lang kay Andrea ‘yun.
“Inaalagaan ni Andrea ang love team nila ni Seth kasi para sa projects niya, kasi gusto niyang makamit ni Seth ang ambisyon niya, magkaroon ng sariling bahay. Kaya tahimik lang si Andrea kahit alam niyang may girlfriend si Seth. Bakit nu’ng si Andrea na, super big deal na? Inaaway na siya ng lahat?
“Kaya ipinagtanggol na ni Seth si Andrea kasi alam niya ang totoo. ‘Yan 'yung sabi niya na walang alam ang publiko. Sila, alam nila ang totoo na hindi sila para sa isa’t isa at work lang talaga ang relasyon nila.”
Tinanong namin kung si Francine Diaz ba ang girlfriend ni Seth.
“Ask mo si Seth para sa kanya mismo manggaling,” sagot ng aming source.





Comments