top of page

Ka-love team, idinamay sa kumalat na video nila ni Shuvee… DONNY NAGALIT, IPINAGTANGGOL SI BELLE SA MGA BASHERS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 13 hours ago
  • 3 min read

Updated: 32 minutes ago

ni Janiz Navida @Showbiz Special | March 29, 2026



Donny Pangilinan at Belle Mariano

Photo: Donny at Belle / IG



Gentleman talaga si Donny Pangilinan at hindi niya hahayaang ma-bash ang ka-love team na si Belle Mariano.


Nadamay kasi ang pangalan ni Belle at may ilang nagkumpara rito kay Shuvee matapos kumalat ang video sa isang birthday party kung saan parehong invited sina Donny at Shuvee bilang guests.


Sa naturang party, kumalat ang video ng pagpa-fangirling ni Shuvee kaya may mga DonBelle fans ang nainis at tinawag na OA at “malandi” ang Sparkle star.


Rumesbak naman ang ilang fans ni Shuvee at si Belle ang pinuntirya. May mga nanlait sa hitsura ni Belle at ikinumpara sa height at ganda ni Shuvee.


Hindi ito nagustuhan ni Donny kaya nag-post na sa kanyang X account ng pagtatanggol sa ka-love team.


Part ng post niya sa X, “I don’t usually speak up, but I think it’s about time we stop spreading hate and constantly comparing people. There are far more important things happening in our country.”





Dagdag pa nito bilang pagtatanggol kay Belle, “As for Belle, please keep her out of your narratives. She is beautiful, talented, and most importantly, has a great heart. Nothing you say or do will change that.”


Sinabi rin ni Donny na hindi niya inasahang lalaki ng ganito ang pagkikita nila ni Shuvee sa akala niya ay intimate birthday party.


“I told Shuvee the videos were getting around out of shock, as I went to dinner at first thinking it was just going to be intimate and private. People forget we are all friends in this industry. Why do we keep pitting people against each other?”


Nilinaw din ni Donny ang akusasyon ng iba na ine-enjoy daw niya ang ‘clout’ at pamba-bash para maging relevant siya.


Aniya, “And to those who think I just enjoy the clout and people getting bashed, you clearly don’t know me. Feel free to leave. There is no space for that here. I am and never was about that.”


‘Yun na! Kasi naman, ginagalit n’yo si Donny, eh! 





PROUD na proud kami para sa aming inaanak sa kumare naming si Mareng Ambet Nabus, isa sa mga kolumnista rito sa BULGAR, na si Neeyong.


Ang dating makulit at bibong bata nu’ng una naming makita, ngayon ay mas makulit na (komedyante pala ang aming inaanak) at pinasok na rin ang mundo ng musika dahil isa na siyang rapper-songwriter ngayon.


Isa kami sa mga naimbitahan sa launching ng Personal Inventory EP ni Neeyong kahapon sa Academy of Rock at bumilib kami sa aming inaanak dahil hindi lang magaling kumanta si Neeyong, maganda rin ang mga isinulat nitong kanta na hango sa personal experience niya nang mapasok siya sa rehabilitation center.


Yes, buong-tapang na inamin ng aming 15-year-old na inaanak na 8 buwan siyang nanatili sa rehab matapos mahulihan ng marijuana sa isang sikat na university sa Manila na kanyang pinapasukan. 


Kuwento ni Neeyong, ang pambu-bully sa kanya ng mga kapwa-estudyante ang nagtulak sa kanya para mapabarkada sa mga older batch na siyang nagturo sa kanya sa paggamit ng marijuana at cocaine.


Ramdam namin ang bigat na pinagdaanan ng aming Kumareng Ambet habang ikinukuwento nila ang magkaibang karanasan na kinailangan nilang pagdaanan ni Neeyong nang ma-rehab ang rapper-songwriter.


Sa parte ni Neeyong, ang hirap na dinanas sa loob ng rehab kung saan kinailangan niyang maglinis ng toilet bowl gamit ang toothbrush at magkudkod ng tiles gamit ang toothpick ang hindi niya malilimutan, bukod sa pagka-miss sa kanyang Daddy Ambet na 8 buwan niyang hindi nakita.


Ito ang lesson na naiwan sa kanya kaya ngayon ay bagong-buhay na siya at sinisikap na mag-focus sa kanyang singing career lalo’t binigyan siya ng pagkakataon ng Star Pop na magkaroon ng sariling EP na naglalaman ng mga kantang Programa, Neon, Recuperation, Yellow Corner at 9/21.


Sa parte naman ng aming Mareng Ambet, ramdam din namin ang mga sakripisyo ng isang single parent na ginawa ang lahat para mabigyan lang ng maayos na buhay ang anak, pero natukso pa rin sa bisyo na muntik nang ikasira ng buhay nito.


Marami ang napabilib ng mag-amang Ambet at Neeyong sa kanilang mga ibinahagi sa mga kaibigang press kahapon sa launching ng Personal Inventory dahil napaka-inspiring ng kanilang story at puwede ngang maging kuwento sa Magpakailanman.


Pero sabi ni Mareng Ambet, ‘wag daw muna at hindi pa siya handang mapanood sa TV ang kanyang life story. Hahaha! 


Anyway, masaya kami para sa aming inaanak at sana nga ay magtuluy-tuloy na ang kanyang singing career. Dream daw niyang maka-collab sina Rain Celmar at

KZ Tandingan. And why not? Magaling mag-rap ang aming inaanak kaya kering-keri niya ‘yan!


Go, go, go, Neeyong! 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page