top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Ka-love team, dyowa na ng basketball player… SETH, WA’ PAKI KINA ANDREA AT RICCI

BULGAR
Apr 11, 2022
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | April 11, 2022




Nagkataon nga lang kaya o sinadya na matapos sagutin ng “yes” ni Andrea Brillantes ang proposal ng basketball superstar na si Ricci Rivero ay may Instagram post agad ang ka-love team niyang si Seth Fedelin?


Nag-post si Seth ng larawan niya na naka-smile habang nagre-relax sa balcony at may hawak na tasa.


“Kape tayo?” ang maikling caption ni Seth.


He posted this matapos mag-viral ang video ng proposal ni Ricci kay Andrea sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) game last Saturday.


Sumagot naman agad ang best friend ni Seth at kagrupo sa The Gold Squad na si Kyle Echarri.


“Tara, kailan?” reply ni Kyle.


May netizen na nagtanong kay Seth kung okay lang ang young actor.


Komento naman ng isa pang follower ng aktor, “Unbothered Seth Fedelin.”


Pahayag naman ng isa niyang fan, “‘Andito kami, naka-support, kaya mo ‘yan.”


May mga netizens ding nagpahayag ng pagkalungkot dahil buwag na raw ang SethDrea love team.


Well, kung kami ang tatanungin, okay lang ‘yan. Hindi naman siguro mabubuwag ang love team as long as susuportahan pa rin ito ng kanilang mga fans. And if ever na talagang mawawala na ang SethDrea, puwede rin naman silang magkaroon ng successful individual career as long as mahalin din nila at huwag pabayaan ang kanilang trabaho.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page