Ka-live-in ng babaeng pinatay, inilagay sa ref, arestado

by Jeff Tumbado @News | October 17, 2026

Photo: Hindi na nakapalag ang lalaking person of interest sa karumal-dumal na pagpatay sa isang babae na inilagay sa ref sa Rizal. (Jeff Tumbado)
Naaresto sa Cubao, Quezon City ang 32-anyos na lalaking itinuturing na person of interest sa pagkamatay ng kanyang live-in partner na natagpuang nakasilid sa refrigerator sa Rodriguez, Rizal noong Setyembre 16.
Kinilala ang suspek sa alyas Dan Kenneth, na dinakip sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong serious illegal detention na walang inirekomendang piyansa.
Kaugnay ang naturang kaso sa reklamo ng kanilang kasambahay na umano’y ilegal na ikinulong ng suspek noong 2025.
Hinihintay pa ng mga awtoridad ang resulta ng DNA test bago magsampa ng kasong murder kaugnay ng pagkamatay ng 30-anyos na biktima.





Comments