2 miyembro ng TBS 13 gang, arestado

ni Mylene Alfonso @News | October 16, 2026

Photo: 21 anyos at umano'y TBS member arestado - PNP MPD - GMA / Circulated
Tiklo ang dalawang umano’y miyembro ng True Brown Style 13 (TBS 13) gang sa magkahiwalay na operasyon ng Manila Police District (MPD) noong Oktubre 14 at 15.
Unang nadakip si alyas Michael, 21, sa Malate, Maynila, sa bisa ng arrest warrant
kaugnay ng mga kasong rape at acts of lasciviousness. Walang inirekomendang piyansa para sa suspek.
Samantala, naaresto si alyas Jose sa Tondo matapos umanong tangkaing tumakas habang nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga pulis. Narekober sa kanya ang isang UZI replica firearm.
Nahaharap si Alvarez sa mga kasong resistance and disobedience to a person in authority at paglabag sa batas sa mga baril.





Comments